Ang Tayo

143 5 0
                                    

#SPOKEN

Sisimulan ko ang ating kuwento
Mula sa mga matatamis na mga ngiti
Hanggang sa huling paghikbi
Mga alaalang naiwan
Muling aking papalitan
Mga alaalang pilit na kinakalimutan
Muling aking babalikan
Ngunit sa ibang paraan
Sa ibang panahon
Sa ibang lugar
At sa ibang tao.

Naalala ko pa noon
Ang malakontrabida mong mukha
Dahil sa walang emosyon mong mga mata
Nang dahil don nahulog ako sayo bigla
Nakakatawa dahil walang kahirap hirap mo akong napahulog gamit lang ang iyong mga mata
Na para bang binubuo ng iba't ibang mahika
O sadyang ginayuma mo lang ako kaya nahulog ako sayo bigla?
Kung gayuma man 'to maraming salamat sa gayumang ito
Dahil nahulog pa rin ako sayo.

Naalala ko pa noon
Pilit kitang kinukulit
Makuha lang ang iyong pansin
Pilit kitang hinahabol
Kahit nakakapagod maghabol
Pilit kitang kinakausap
Kahit para kang pipi
Ngunit sa huli ako'y iyong mapapangiti dahil hinahayaan mo ako at hindi mo pinipigilan gawin 'to sayo.

Naalala ko pa noon
Ang pinakamasayang araw ko sa panahong iyon
Ang sabihin mo ang mga matatamis at parang musika sa aking tenga
"Unti unti na kong nahuhulog sayo"
Para bang may mga paru parung lumilipad sa aking tiyan
Daig ko pa siguro ang nanalo sa lotto dahil sa mga ngiti ko
Ngiting abot langit
Ngiting tagumpay at walang pagsisisi
Simula ngayon,
Akin ka na Mahal Ko.

Naalala ko pa noon
Mga panliligaw mong puro palpak
Ngunit para sa akin para itong mga bulaklak
Di gaano kaganda ngunit mapapangiti dahil sa taglay nitong karisma
Ngunit nakakatawa lang dahil sa akin ang pinakamalakas na halakhak
Pero sa loob ko masaya ako dahil sa puntong 'to
Unti unti na akong nagiging sayo.

Naalala ko pa noon
Ang araw kung saan tayong dalawa ay umiiyak
Hindi dahil sa paghihinagpis
Hindi dahil sa sakit
Hindi dahil sa lungkot at poot
Kundi dahil sa galak at tuwang ating nadarama
Tayong dalawa ay magshota na.

Naalala ko pa noon
Mga ngiti at tawa ating pinagsaluhan ng sabay
Mga masasayang alaalang ating ginawa ng walang alinlangan
Maliligayang mga mata dahil sa saya
Dating mga malulumbay na mga mata
Ating nabago na
Masaya ako dahil nagkatuluyan tayong dalawa.

Ngunit tulad ng iba
Walang relasyong perpekto
Sa una lang pala
Sa una mo lang pala ipaparanas sakin ang saya
Sa una mo lang pala ipaparanas sakin na ako'y mahalaga
Sa una lang tayo naging masaya sa isa't isa
Dahil sa huli puro luha na
Bakit ganto?
Hindi ba pwedeng ipagpatuloy na lang ang saya?
Hindi ba pwedeng walang sakit?
Walang pait?
Walang poot at galit?
Bakit ganto?

Ramdam ko ang unti unti mong pagbitaw sa mga pangako mo
Ramdan ko ang unti unting pagguho ng mga pader na ating binuo
Ramdam ko ang unti unti pagkawala ng saya sa mga mata mo
Ramdam ko ang unti unting pagkabalot ng kalungkutan dito sa puso ko
Mahal... pakatatag lang tayo.

Huwag kang bibitaw dahil malalagpasan natin 'to
Susuungin natin ang malakaragatang pagsubok na 'to
Susunugin natin ng sabay ang malapapel na sandamakmak na problemang ito
At sasabihin nating sabay "Tayo pa rin,magpakailanman"

Ngunit hindi bumitaw ka sa mga pangako mo
Bumitaw ka at nahulog sa mga patibong ng pangakong ating hinahangad
Ngayon wala na tayo.

Walang luhang lumabas saking mga mata
Ngunit narito ang naiwang sakit ng iyong alaala
Huwag kang mag-alala
Makakalimutan rin kita
Hindi man ngayon pero bukas wala na.

Ngitingiti akong humarap ngayon sa isang lalaking minamahal ko
Maraming pagsubok ang dumating samin pero nalagpasan namin ito
Nagawa namin magtagumpay at maging masaya sa piling ng isa't isa
Siguro ito ang dahilan
Kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng aking unang minahal
Dah may isang taong naghihinty pa sa akin upang mas lubos akong mahalin ng walang sakit.

______________________________________________________________________________

This is my longest spoken poetry so far so hope you enjoyed it ^_^!

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon