Paano Mo Nasabi?

124 4 0
                                    

#SPOKEN

Isinulat ni: Sherwin Deguzman📝

Paano mo nasabing nakalimutan mo na siya, gayong kapag naririnig mo ang kanyang pangalan ay apektado't nasasaktan ka pa?
Na sa tuwing makikita mo siya ay hindi pa rin nawawala ang dating ningning sa 'yong mga mata.
Paano mo nasabing kaya mo na nang wala siya, gayong hinahanap-hanap mo pa rin ang kanyang presensya?
Na nananabik ka pa rin sa kan'ya; sa kan'yang mga mensahe't pagbati sa'yo tuwing umaga.
Paano mo nasabing hindi mo na siya mahal, gayong nasasaktan ka pa rin sa tuwing makikita mo siyang masaya kasama ng iba?
Na umaasa ka pa rin; umaasa na sana ikaw na lang ulit,
Dahil aminin mo man o hindi, mahal mo pa siya, minamahal mo pa rin siya.
Paano mo nasabing nakalaya ka na gayong sariwa pa sa 'yong isipan ang mga alaala na binuo ninyong dalawa;
Na naaalala mo pa rin ang bawat lugar na naging saksi ng matamis ninyong pagmamahalan.
Paano mo nasabing wala ka nang pakialam sa kanya, gayong may parte pa rin sa 'yong sarili na gustong-gusto siyang tawagan upang marinig lamang ang boses niya,
Na may bahagi pa rin sa'yong puso na nagnanais na sulatan siya ng maikling pangangamusta,
Puntahan siya dahil inaakala mo na kahit mula sa malayo mo lang siya makita ay magiging ayos ka na.
At paano mo nasabing nakamove-on ka na, gayong hanggang ngayon ay mahal na mahal mo pa rin siya?
Na umaasa ka pa rin na darating ang araw na magkakabalikan kayong dalawa.
Kaya't heto ka,
Umaasa,
Nagpapakatanga,
Hindi mo pa rin matanggap ang kahulugan ng mga salitang "wala at tapos na",
Na masaya na siya sa iba; na may mahal na siyang iba.
Kaya't paano mo nasabing nakalimutan mo na siya?
Paano mo nasabing kaya mo na nang wala siya?
Paano mo nasabing wala ka nang pagmamahal para sa kan'ya?
Paano mo nasabing wala ka nang pakialam sa kan'ya?
Paano mo nasabing nakalaya ka na?
At paano mo nasabing nakamove on ka na?
Hindi mo nasabi, hinding-hindi mo masasabi...
Hanggang hindi mo pa siya napapalaya nang tuluyan.
Hanggang nakakulong ka pa rin sa mga alaala ng nakaraan.
Hanggang hindi mo pa nakukuhang maging masaya para sa kan'ya, para sa kanila...
Hindi mo masasabi, hinding-hindi mo masasabing nakalaya ka na.

Ctto

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon