#SPOKEN
Kapag tapos kana sa kaniya,
Andito lang ako, hinihintay ka.
Magisang nakahiga sa kama,
Habang inaabagan ang pagkatok mo sa pinto.
Oo --umaasa ako na kapag sinaktan kaniya ay sa'kin ka didiretso.
Alam kong hindi ako ang bahay mo
Pero handa akong maging tahanan para sa'yo.Kung nakakaramdam kaman ng lamig
Dahil sa kaniyang pag-ibig.
Pangako, andito lang ako,
Bibigyan ka ng isang tasang kape na punong-puno ng pagmamahal ko.
Hindi gaanong matamis,
Hindi gaanong mapait,
Hindi ka makakaramdam ng sakit.
At asahan mong pagkatapos nito'y yayakapin kita nang mahigpit
Susubukan kong ayusin ang puso mong nagkapira-piraso dahil sa kaniya
Kahit pa mawasak din ako kakasubok na buoin ka.Pagkatapos nito'y paguusapan natin siya.
Isasalaysay mo kung anong nagustuhan mo sa kaniya
O kaya'y isasalaysay mo kung bakit nagtapos kayong dalawa.
Alam kong ang bawat salitang babanggitin mo ay maaaring magiwan ng sugat sa dibdib ko
Pero ipagsasawalang bahala ko lang ito.
Dahil alam kong mas masakit pa rito ang nararamdaman mo.
Hindi magsasawang makinig sa'yo ang tenga ko,
Magiging alisto ito sa'yo.
Ang bawat detalyeng sasambitin mo ay maaari kong makabisado.
Masakit, mahirap, pero makakaya ko.Kung umiyak kaman habang kinu-kwento siya,
Narito ang kamay kong papahiran ang iyong luha.
Narito ang balikat kong maaring mong masandalan.
Hindi kita iiwan hangga't hindi ka tumatahan.At sa oras na tumahan kana.
Alam kong do'n, kakatok na siya.
Susunduin ka niya ulit,
Iaabot ko ang kamay mo sa kaniya na parang hindi ako nakakaramdam ng sakit.
At ayon magkakaayos na muli kayo.
Isasarado ko nang marahan ang pinto,
Walang halong panunumbat kahit nagsilbi lang akong parausan ng iyong luha.Mahal, sana sa susunod na pagdalaw mo.
Sana hindi na ikaw.