Pagod Na Ako

137 3 0
                                    

#SPOKEN

Pagod, huling sakitang bibitawan ko bago tayo mag tapos
Pero tandaan mo lumaban naman ako bago ako napagod
Napagod sa nangyayari sating dalawa
Pag aaway dahil sa hindi moko mabigyan ng halaga
Bakit ganyan kana, dati naman ako'y mahal na mahal mo pa
Ngunit bakit lahat ay nag iba
bakit bigla ka nalang nag bago, bakit pag mamahal mo sakin ay biglang nag laho 
Dahil ba sa abala kana. Sa nga bagay na mas mahalaga 
Kaya ako'y binabalewala dahil kampante ka na di kita iiwan dahil sa mahal kita
Pero tama na, oo mahal kita pero ako'y pagod na 
Na sa araw araw na pambabalewala mo, oo ako'y sawa na
Na imbis maging masaya ako sa piling mo mas nasasaktan ako
Sa bawat pag bigkas mo ng mga sakitang "wala akong magawa" para mabigyan ako ng oras at pag papahalaga. 
Iniintindi naman kita pero ako'y pagod na nga 
Iniintindi kong marami kang ginagawa kaya wala ka ng panahon upang ako'y bigyan halaga. 
Oo masakit na sa araw araw pinipilit kong lumaban na ako'y natatakot na ika'y lumisan 
Ngunit lahat naman ng bagay ay may hangganan 
At ang puso ko ay di kayang lumaban ng pang habang buhay
Kaya heto ang huling mensahe ko sayo 
Mahal, ako'y pagod na pagod na sa relasyong ito
Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko 
Kaya kung nasasaktan na ko ng todo,panahon na para sumuko 
Relasyon na patuloy kong pinag laban 
Relasyon na patuloy kong kinapitan 
Ngunit puso ko' na napapagod rin naman 
Kaya alam kong panahon na para ika'y bitawan na 
Dahil mahal... Ako'y pagod na pagod na.

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon