#Spoken
MU?
Merong ikaw at ako
Pero walang tayo.Mahal kita
Mahal mo rin ako
Napakaswerte ko dahil parehas tayo
Ikaw ang kasama ko sa bawat masasayang alaala kong nabubuo
Nandiyan ka palagi para damayan akoMasaya ako
Pagkasama kita.
Masaya tayo pagkasama natin ang isa't isa
Pero bakit parang kulang pa?Oo parehas nating mahal ang isa't isa
Pero bakit ako'y nakukulangan pa?
Kung tutuusin sobra sobra na
Pero parang may kaunting piraso pa ang hindi natin mailagay sa ating binubuong puso
Palagi ko yung hinihintay
Para naman hindi na tayo mawalay
Hinahanap hanap ang salitang Tayo?
Hinahanap hanap ang iyong oo?
Kay tagal ng hinintay ng puso ko
Ang iyong matamis mong mga Oo?
Pero hanggang ngayon wala pa.
Hindi naman sa naiinip na ako
Pero sa totoo lang inip na inip na nga ako!Dahil sa bawat pagselos ko
Tuwing nakikita kitang may kasamang lalaki
Palagi akong nawawalang gana
Dahil merong sumisigaw dito sa utak ko
na OO NGA PALA WALANG TAYOWala akong karapatang kontrolin ka
Wala akong karapatang pagsabihan ka
Dahil mahal mo lang ako
Pero walang tayo.Inaasam ang iyong Oo
Hinihintay ang mga sagot mo
Nagbabakasakali na baka sagutin mo ako
Pero bakit parang pinapaasa mo lang ako?Nalulungkot ako
Dahil imbis na may karapatan na ako sayo
Hanggang ngayon wala pa paring tayo
Mahal kita
Oo mahal kita
At alam mo yan
Hindi kita mamadaliin
Pero sana huwag mo akong paasahin
Dahil baka dumating ang oras na mapagod rin ako kakahintay sayo
At makahanap ako ng panibago
Tao rin ako
Naiinip
Nagsasawa
Kaya rerespetuhin kita
Maghihintay ako
Hanggang sa maging tayo.
