Padayon

347 4 2
                                        

#Spoken

Ang buhay ay isang malaking sugal
na puno ng pagsubok na hahamon sayong tibay
susubukin ang iyong dedikasyon
ililigaw ka sa maling direksyon
sa isang maling desisyon,
lahat ay pwedeng mabago
subalit kung di mo susubukan
mapapako ka sa pwesto,
hayaan mong magkamali ka, madapa ka
wag kang matakot sige subakan mo,
pumunta sa kaliwa
habang ang lahat ay kumakanan
wag sumabay sa alon
gumawa ka ng sarili mong daanan
kahit walang naniniwala na kaya mo
ibahin mo ang istorya, ibahin mo ang takbo,
kahit sobrang imposible ng posibilidad
kung kinakailangan gumapang
kung di na kayang maglakad
sige usad lang,
kahit parang pagong na kay bagal
aabot ka rin sa dulo
tyagain mo kahit parang sa laban ay dehado
nandyan ka na,
sinugal mo na ang lahat ng meron ka
wala ng atrasan pabalik to
sige abante pa
ibigay mo na lahat nang kaya mo
isugal ang natitirang meron ka (yang puso mo)
at kahit ilang beses kang harangin ng mundo,
batuhin ng pagsubok na sa pagkakasalo man nito
ay halos di mo na maibangon ang sarili mo,
bumangon ka parin, pilitin mo.

Dahil ang taong nagtatagumpay
ay hindi yung madaling bumigay
hindi sapat ang sipag at determinasyon
samahan mo ng diskarte at aksyon
humakbang ka kahit paunti-unti
matinik man sa daan yakapin mo ang hapdi
iduyan ka man ng walang hanggang pasakit
sige okay lang yan! lumaban kang pilit,
dyan ka titibay, dyan ka magiging mahusay,
kabisaduhin ang bawat sulok ng pagkakaiba
alamin mo ang mali para sa susunod ay itama.

Ikaw na ba yan? nakikita na kita,
nakadungaw sa pangarap na inaasam
nakarating sa tuktok gamit ay sarili mong hagdan
at sa pagkakataong ito kung mahulog ka mang muli
di ka na muling luluha pa sa hapdi
bagkus ay makukuha pang ngumiti
at masasabi sa sarili na wala kang di kakayanin
para sa pangarap mo, Ika'y babangong muli.

At kung sa nilalakaran mo man ay nagkamali ka,
hindi pa huli ang lahat upang masimula ng panibagong kabanata.

Sige usad lang..
Ipagpatuloy...
PADAYON.

Credits to:
Alvin Altuna
-❤

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon