Hanggang Kailan

219 4 0
                                    

#SPOKEN

"Ang saya mo lagi e."
"Napakadaldal mo"
"Ugh? Ang lakas tumawa e, may bukas pa uy"
"Tanginaaaa, ikaw talaga happy pill ko e kahit ang corny mo lagi"
"Next joke plssss"
"HAHAHAHAHA napaka, kaya ikaw clown ng barkada e."
"Ahh yang si ano, oo mukha naman siyang masaya."

Kamusta ka nga ba talaga? 
Hanggang kailan mo balak magpanggap na okay ka? 
Hanggang kailan mo itatago ang lungkot mong nadarama? 
Hanggang kailan mo iiwasan ang nga tanong na "okay ka lang ba?" "may problema ba?" 
Hanggang kailan mo itatanggi? 
Hanggang kailan mo kikimkimin? 

Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit hindi na nila kaya ay pilit pa rin nilang sinasarili ang problema? Nagtataka ka rin ba? Nagtataka ka rin ba kasi nagdadrama sila pero kapag tinanong mo wala namang naisasagot. Sa totoo lang hindi lang sila nagdadrama. Tootong pinagdaraanan na nila. Ako na ang sasagot kung bakit. 

Una, ayaw nilang maging pabigat sa iba. 
Pangalawa, ayaw nilang nagaalala o magalala ka. 
Pangatlo, masyadong pribado para pagusapan. 
Pang-apat, pagod na siya. Pagod na siyang magsabi dahil sa dami niyang pinagsabihan walang makaintindi, walang umintindi. 
Pang-lima, inaakala niyang lahat ng nakapaligid sa kanya ay nagkukunwaring may pakialam lang. 
Pang-anim, alam niyang napipilitan na lang ang iba. 
Pang-pito, ayaw niyang magmukhang kawawa. Ayaw niyang kinakaawan siya. 
Pangwalo, alam niyang sa huli siya at siya pa rin ang makakalutas ng sarili niyang problema. 
Pangsiyam, Ayaw niyang madamay ka pa sa malaking problema ng kinahaharap niya. 
Panghuli, inaakala niyang sawa ka na sa kadramahang taglay niya. 

-----;;
Kaya ikaw, maaari bang pagkatiwalaan mo ako? Maari bang sabihin mo sakin? Maari mo akong saktan kung kinakailangan, mapawi lang ang lungkot at poot na nararamdaman mo. 
Kung pagod ka na maaaring ako ang maging lakas mo. 
Kung alam mong bibigay ka na, maaaring ako ang maging sandalan mo. 
Ang kalungkutan mo ay kalungkutan ko. 
Sa tuwing nakikita kitang masaya alam kung lahat yon pagkukunwari. 
Maaari kang lumapit, yakapin mo ako kung kinakailangan, umiyak ka sakin. Bibigyan kita ng oras, kahit magdamag pa kitang kausap, basta sabihin mo lang lahat. Handa akong makinig. Handa akong maging panyo at unan mo kung kinakailangan. Nakahanda ako. Sana ay nakahanda ka ring sabihin sakin lahat ng lungkot na nadarama mo. Dahil kung hindi, hanggang kailan ka magkukunwari, at hanggang kailan mo itatago sa likod ng ngiti sa labi ang sakit na nadarama mong alam kong di na magmutawi? 

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon