Patawad

126 3 0
                                    

#SPOKEN

Diko man lubos maisipan
Kung saan nag simula ang ating unang tagpuan.
Sa paaralan ba?
O sa messenger na halos ginagamit ngayon ng mga kabataan?
Nakakatawa man kung ito'y aking naiisip,
Sa bawat pagpatak ng oras lage kitang iniisip.
Sa bawat hakbang na aking tinatahak, ikaw lage ang nakikita
Ganon naba ako ka gago para mahalin ka?
Ni kahit minsan diko man makalimutan ka,
Sa lahat ng sakit at hapdi na iyong ipinaramdam,
Diko parin maiwasan ika'y kalimutan.
Pilit ko paring sinasalo lahat ng kasalanan, oh pag-ibig ba't lage ako ang nahihirapan? Parang kailan lang tayo nagkatagpuan, pero bigla mo nalang akong iniwan. Pilit kung nilabanan at kinapitan lahat ng sakit na iyong isinukli. Ba't ganon?
Napaka labo ng mundo.
Ba't ako lang ang nakaranas ng ganito?
Ba't ako lang ang nagmumukhang kawalan dito?
Oh, tadahana ano ba talaga ang gusto mo? 
Ang magmukhang kaawa-awa ang 'sang tulad ko?
Oh! sige, talo na ako.
Tinaas kuna ang dalawa kung kamay para sayo. 
Pero sana naman, kahit minsan maramdaman motong pait at hapdi na ibinigay mo. Ayaw ko na!
Tama na!
Nakakapagod umiyak!
Nakakapagod mag mahal!
Nakakapagod mag mukhang tanga!
Nakakapagod lumaban!

Okay panaman tayo diba? pero ba't ganon?
Alam mo ba? Kayang kitang ipaglaban.
Kaya ko maging isang pulis, sundalo o dikaya'y maging isang DIGONG NG BUHAY MO. Kaya kung maging matapang kung gugustohin mo lang.
May mga bagay talagang di na natin maitatanggol, di na natin makakapitan at mapanghahawakan. Isa lang naman ang nais kung sasabihin sinta, MAHAL PADIN KITA.
Diko alam pano? 
Diko alam kung bakit?
Diko alam kung anong nangyari?.....
Sinta? kahit masakit, kahit masakit.
Tatanggapin ko, mapasaya ka lang.
Basta't wag mong kalimutan ang 'sang tulad ko.
Tulad kong kahit minsan ay napasaya ka.
Isang tulad ko na kahit minsan napawi lahat ng luhang umaagos diyan sa mga mata mo. Isang tulad kong walang ibang ginawa kundi mahalin ang 'sang tulad mo. At isang tulad kong handang magpakatanga para lang sayo.

Ba't ba ako ganito?
Sobrang sakit, napakasakit.
Di inantalang ang lahat ng hapdi at kirot ay aking mararamdaman.
Ang sakit isipin, na ang dahilan ng kaligayahan mo ay 'di na ako. Patawad sinta, dahil nagkulang ako.
Patawad dahil hanggang ngayon umiiyak parin ako.
Patawad dahil kahit minsan minahal kita ng lubusan.
Patawad dahil di kita malimutan
Patawad dahil di kita kayang bitawan.
Patawad, patawad sinta ko.
At sa aking huling mensahi sinta,
Patawad dahil mahal padin kita, kahit napagod kana.

Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon