#SPOKEN
Mahal?
Naaalala mo pa ba noong panahong akin ka pa?
Yung mga panahong ako pa ang dahilan ng iyong pagtawa,
Yung mga panahong ikaw pa ang dahilan kung bakit ako masaya,
Yung panahong mahal na mahal pa natin ang isa't-isa.
Ang hirap tanggapin ng totoo,
Na tayong dalawa lang pala'y pinagtagpo.
Para magkaroon ng ikaw at ako,
Pero nagtapos din sa salitang 'walang tayo'.
Naaalala mo pa ba tayong dalawa sa ilalim ng buwan,
Kung paanong hawak ko ang iyong kamay at ang ngiti mong hindi ko makalimutan. Sabay tayong nakatingin sa mga bituin,
Dahil ang ating mga pangarap ay sabay natin aabutin.
Naaalala mo pa rin ba akong nakatayo sa ilalim ng malakas na ulan, Kasabay ng aking pagluha noong iyong sinaktan.
Lumuha nang walang katapusan,
Sa lugar kung saan iyong iniwan at hindi ko 'yon makakalimutan. Naaalala mo pa?
Malamang hindi na.
Malamang wala na dahil kinalimutan mo na,
Dahil noon pa man may bago ka na.
Wala ng tayo dahil meron ng kayo,
Meron ng kayo na siyang ikinatutuwa mo.
Wala ng tayo kasi meron ng siya,
Siya. Siya na dahilan kung bakit ka ngayon masaya.
Siya na dahilan kung bakit nakangiti ka,
Siya na ngayon ay masaya dahil kapiling ka.
Una palang alam kong gusto mo siya,
Na mas masaya ka tuwing kasama mo siya.
Matatanggap ko pa naman siguro ito,
Na hindi na ako ang laman at itinitibok ng puso mo.
Hindi na ako ang nagpapasaya sayo,
Dahil ang totoo, saling pusa nalang ako sa kwento niyo.
Noon sa tuwing magkasama tayo,
Noong panahon na hindi mo pa ako niloloko,
Noong panahon na ako pa ang gusto mo,
Noong panahon na ako pa ang mahal mo.
Pero ngayon,
Alam kong matagal na akong wala sa mundo mo.
Alam kong masakit sa una,
Pero matatanggap ko pa rin naman ito diba?
Kinaya mo nga na wala ako,
Kinaya mo nga na talikuran ang iyong mga pangako.
Kinaya mo nga na lokohin at saktan ako,
Kinaya mo nga na itaboy at kalimutan ang pagmamahal ko.
Kaya simula ngayon,
Ako naman ang mangangako,
Simula ngayon hindi na ako magtatangkang habulin ka pa,
Hindi na ako magmamakaawang mahalin mo pa.
Hindi na ako muling hahabol sayo,
Hindi na ako muling tatakbo,
Dahil mangangalay lang ang mga paa ko,
Masasaktan lang muli ang puso ko,
Simula ngayon kakalimutan na kita.
ayoko na, pagod na ako, pagod na kong mag pakatanga sa taong parang wala naman akong halaga kaya tama na.