#SPOKEN
Simula nung gabing tinapos natin ang tayo,
Saksi ang buong mundo.
Tila malalim ang gabi bilog ang buwan,
Saksi ang buong kalawakan.Sumabay ang patak ng luha sa malakas na ulan,
Patuloy ang pag bagsak sa tuwing ika'y nasisilayan.
Pipigilan pa sana kita ngunit huli na,
Nakita ko sa mga mata mo na pagod na pagod ka na.Kaya hinayaan na kitang maging malaya,
Kahit mahal na mahal kita.
Handa na akong palayain ka,
Kasi ayokong nakikitang nasasaktan kita.Hindi na ba mababalik ang mga sandali?,
Yung mga panahon na masaya tayo kasi.
Kwentuhan, kulitan at harutan,
Mga bagay na mahirap kalimutan.na patuloy pa ring umiikot sa isipan,
ikaw pa rin yung gustong balikan.
pero kailangan ng kalimutan,
kahit masakit, kahit nahihirapan.Sa maikling panahon nating nagkasama,
naka buo tayo ng sarili nating istorya.
mga ala alang hindi makalimutan,
mga ala alang naka tatak sa isipan.Ang kwento ng tayo dito na ba magtatapos?,
Akala ko hindi na 'to matatapos.
Hanggang dito na lang siguro yung Tayo,
kaya tatapusin ko na to.Ikaw at Ako,
Ang Tayo.
Mga alaala na lang sa isip at puso,
Ang Dating Tayo.