"Ang pag-ibig ay isang mahiwagang elemento. Ipagsisigawan parin ng puso kahit nakalimutan na nang isip."
--------------------------------------------------------
Unti-unti kong minulat ang aking mata. Bumungad sa akin ang isang matanda na nakaupo sa tabi ko.
"Nasaan ako?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamot na ipapainom niya sa akin.
"Narito ka sa bahay namin, dalawang araw kang walang malay. Inuwi mo na kita sa amin kasi wala namang kumukuha sayo sa hospital" sagot niya sa akin.
Nagpasalamat ako sa matanda at pinalitan niya naman ito ng ngiti.
Maliit lang ang bahay nila gawa sa talahib ang bubong at kawayan naman ang mga dingding nito.
Sa may kanan ko mula sa kinahihigaan ko, bumungad ang magagandang tanim na pinya.
Mayaman sa agrikultura ang lugar na ito.
Namamangha talaga ako sa mga nakikita ko. Payapa ang lugar. Wala masyadong mga kabahayan. Tahimik at tanging mga huni ng mga ibon ang naririnig mo mula sa puno ng mangga.
"Ma, aalis na po ako" boses ng babae mula sa kabilang kwarto.
May anak pala ang matandang tumulong sa akin. Akala ko, dadalawa lang kami. Mahirap na.
Baka kasi may masamang intensyon sa akin.
"Ginawan ka na ngalang ng mabuting loob, mag-iisip kapa ng masama" sabi ng puso ko sa isip kong madumi ang pinapaksa.
Sabagay tama naman.
"Iho, aalis muna ako ah, bibili lang ako ng mga gamot para sa sugat mo. Nakalimutan ko kasing nagpabili sa anak ko kanina. Babalik din ako agad, kung nagugutom ka 'yung mga pagkain nasa may lamesa lang" paalam sa akin ng matanda.
"Sige po, ingat ka po kayo" agad ko namang sinagot.
Mahigit dalawang araw na akong nakahiga, nangangawit na din ang likod ko.
Pipilitin ko na lang munang bumangon, wala naman na akong nararamdamang kirot sa mga sugat ko.
Kailangan ko na din kasing maligo, hindi laging basang tuwalya lang.
Pinilit ko ngang tumayo, hanggang sa nakarating ako sa may lilim ng mangga, nandoon kasi ang balon nila na pinagkukuhanan ng tubig.
Binaba ko ang timba sa may loob ng balon gamit ang mahabang lubid, at unti unti ko itong hinihila pero sa bawat hatak ko ng lubid nakakaramdam ako ng kirot sa mga sugat ko, hanggang sa nakaranas nalang ng pagdurugo ang kanang braso ko.
"Ako na" boses ng babaeng nasa likuran ko.
"Hindi kaya ko ito." Nabuhay akong mag-isa, ito lang ang di ko kakayanin" sagot ko sa kanya. Habang hinihila ang lubid.
"Ako na please lang, mas lalo mong sinasaktan ang sarili mo sa ginagawa mo eh" sabi ng babae sa akin, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa sinabi niya.
Lumingon ako sa kanya. Bumungad ang maputi, maganda, maiksi ang buhok at medyo may kaliitan.
Parang nakita ko na kasi siya pero diko maalala kung saan.
"Huwag mo muna kasing piliting gumalaw baka mas lalong lumalala yang sugat mo" ika niya sa akin habang tinatanggal ang telang nakabalot sa sugat ko.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siya at inaalala kung saan ko siya unang nakita.
Siya nga ang nag-igib ng tubig na pinanligo ko.
"Nak, patulong naman ako dito" sabi ng matanda habang bitbit ang bayong na punong puno ang laman.
"Sige po ma" sagot naman ng dalaga sa kanya ng ina.
Bihira na lang ang babaeng ganito. Marunong sa mga gawaing bahay.
Bukod sa maganda na, masipag at mabait pa.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
