"Subukan mong ipaglaban kahit mali at baka sakaling maitama"
-Maleah Erese Gamiao
Pasukan na, buti na lang nakahanap pa ako ng malapit na pagtutuluyan. Salamat na lang talaga at may tita ako dito sa San Juan.
Nakakakaba talaga lalo kung hindi mo alam ang pasikot sikot sa lugar na ito.
Maganda talaga itong kolehiyo na ito, kung tutuusin mas madami pa siyang tataluning pribadong paaralan.
"Miss, sorry" wika ko sa babaeng nabangga ko sa sobrang pagkabighani sa paaralan ng San Juan.
"Okay lang" sagot niya at sabay ngiti.
"Pasensya na ah, nagagandahan lang kasi ako sa paligid" paliwanag ko sa kanya.
"Iba ang ganda mo ah, saan ka pala nakatira?" wika niya sa akin habang nakangiti.
"Mas maganda ka po, galing po pala ako sa probinsya." sagot ko sa kanya. "Pero nakatira ako ngayon sa tita ko, malapit lang din dito", dugtong kong sabi.
" Ano pala pangalan mo, ganda?" tanong ko sa kanya.
"Althea. Thea na lang para maikli, ikaw ay ganda?" sagot niya sa akin habang nakangiti at sinundan niya din ng tanong.
"Maleah Erese Gamiao. Binuo ko na para dimo makalimutan," sagot ko sa kanya.
Grabe din kasi itong babae to napakadaldal, pero piling ko masayang kasama to.
"Tara na Maleah, tumunog na yung Bell. Hanapin na natin mga pangalan natin"
Sabi ni Althea sa akin.
Agad naman akong sumunod sa kanya para hanapin kung anong section kami, sana naman parehas kami. Parehas kasi kami ng kurso na kinuha, Education din at parehas kami ng major na kinuha. Syempre, Science.
"Section B. tayo Maleah!" sabi niya sa akin habang hawak hawak ang kamay ko.
"Salamat naman at magkasama tayo, kahit paano may kakilala na ako." sagot ko
sa kanya habang sinundan ng ngiti.
Pumasok na nga kami ni Althea, akalain mong seatmate pa kami. Galicia kasi ang last name niya. Ang bait talaga ng Diyos sa akin.
Pero nahihiwagaan talaga ako sa upuan sa harap, first day ng school. Malalate pa. Grabe talaga, sino naman kaya yang taong yan. Di niya ba alam na, napakaimportante ng edukasyon, at edukasyon pa man din ang kurso niya dapat maging huwaran naman siya kahit sa pagsunod lang ng tamang oras. Hay nako.
"Good morning Ma'am, Sorry po late ako" tinig ng lalake na galing sa loob.
"Anong pangalan niyo po, Ginoo at bakit ka nalate ngayon?" tanong ng guro namin, patay siya mukhang pinapairal ni ma'am ang tunay niyang ugali. Napakaganda ni Ma'am Ofelia, pero alam kong may tinatagong ugali ito lalo na kung usaping disiplina.
"Maam, Ako po si Daniel Jude Gemino" sagot ng lalake. Familiar ang pangalan niya at alam kong kilala ko ito. Lumingon ako sa likod, at siya nga.
Gusto ko siyang lapitan at kausapin. Kinakabahan ako, bumibilis ang pitik ng puso ko. Hindi ko alam, pero piling ko masasaktan lang ako ulit.
Sariwa palang ang sugat na binigay ng pamilya niya at alam ko naman hindi niya din ako kilala pa.
"At bakit ka nalate?" pasunod na tanong ng guro ko.
Tahimik lang siya.
"Malayo ba bahay niyo? O nalate ka lang na gumising, ano? May kausap ba ako wala?" mukhang galit na siya.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
