Chapter II

254 20 0
                                        

"Mahirap hanapin ang taong iyong mamahalin kung ayaw talaga ni tadhana na kayong pagtagpuin"

---------------
Alas singko palang ng umaga gising na ako. Ngayon lang kasi ang Day off ko sa trabaho.

Maaga akong nagising hindi dahil sa gusto kong hanapin siya kundi dahil sa pinsan kong, umiiyak sa loob ng kwarto ko habang natutulog ako.

"Ikaw, umagang umaga talo mo pa ang babae kung umiyak ka diyan, ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Si Marithea Escalante Gomez ng buhay ko!" sigaw niya habang umiiyak na akala mo naman na naging sila na.
"O bakit si marithea?" Tanong ko sa kanya na may halong kaba mukhang mawawalan kasi ako ng pag-asa na siya si meg ang babaeng kasabay ko sa terminal.
"May asawa na pala siya" sagot niya sa akin na may halong iyak pero wala namang luha. Nagulat ako sa sinabi niya, natatakot kasi ako na baka meron na talagang nagmamay-ari sa kanya. Paano kaya kung siya talaga si meg? Paano kaya kung siya ang babae sa terminal? Paano kaya kung... Basta.
Mga sunod sunod na paanong tanong sa isip ko.
Gusto kong magkaroon ng liwanag ang lahat. Gusto kong makita si marithea.
"Pinsan samahan mo nga ako sa sinasabi mong Marithea" sabi ko sa pinsan kong kumakain ng biscuit habang naglalaro ng online games, napagod na yatang umiyak ang loko.
"Ayaw ko, ikaw na ngalang. Ayaw ko ng makita si marithea, manloloko" tanggi ng pinsan ko sa inaalok kong pabor. Akala mo naman kung naging sila talaga.
"Sige ako na ngalang, Saan ko ba makikita si Marithea" tanong ko sa kanya.
"Sa may pangalawang kanto sa may tabi nila aleng Tina" tugon niya sa akin.
Paano kaya kung siya talaga yun? Paano kaya kung may pamilya na talaga siya? Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko, kinakabahan ako na may halong takot.
Hanggang sa sunod sunod nalang ang mga tanong ko sa sarili kong nawawalan na nang pag-asa.

"Saan kaya ako magsisimulang maghanap?" Tanong ko sa sarili kong hibang na hibang. "Paano kaya ako magtatanong?" Sunod sunod na mga katanungan ko sa sarili.

Pinuntahan ko nga ang lugar na sinabi sa akin ng pinsan ko.

Dipa ako nakakarating sa harap ng kanilang bahay bigla na lang pumatak ang ulan.
"Isa naba ito sa senyales na si Marithea ay si meg. Wag naman sana." Tugon ko sa sarili habang nag-aalay ng panalangin.
Oo. Gusto ko siyang makita pero Hindi sa ngayon. Hindi sa sitwasyong ganito. Oras kasi na siya ang nakita ko, yun na din yung oras na mawawalan ako ng pag-asa. Ayaw ko naman na agawin siya mula sa asawa niya, ayaw ko din naman na ako ang dahilan para maghiwalay siya. Galing ako sa ganun sitwasyon kaya alam ko ang pakiramdam. Wala akong intensyon na manira ng relasyon. Hindi porket biniyayaan tayo ng karapatang umibig, wag naman Sana nating abusahin. Iyong tipong maninira ka para lang sa pag-ibig mong gusto, o di naman kaya ipipilit mo ang relasyong di naman talaga pwede. Hay nako kung si Meg ang makikita ko hahayaan kona siya at sana nga hindi siya.

"Kuya saan po 'yung bahay nila aleng Tina dito?" Tanong ko sa nagtitindi ng palamig sa may pangalawang kanto.
"Ay yang pulang gate diyan" mabilisang sagot niya sa akin na mukhang kabisado niya sa aleng Tina siguro'y suki niya ito.
"Salamat kuya" tugon ko sa kanya. Habang papalapit ako sa bahay nila aleng Tina, bumungad sa akin ang bagong pinturang bahay sa may malapit sa bahay nila.
"Ito na siguro 'yung bagong lipat na kapitbahay namin" tanong ko sa sarili ko.
Humakbang ako ng paunti-unti papalapit sa bahay nila Marithea.
Hindi na ako nagtanong Kay aleng tina, alam ko namang wala 'yun eh. Dahil hindi bukas 'yung mga bintana at wala ang kanyang sasakyan na kulay pula.
Dumeretso ako sa may gate nila. Diko mapigilan ang nararamdaman kong kaba. "Sana Hindi siya si meg. Sana talaga." Paulit-ulit na panalangin ko. Tinuloy ko ang hakbang ko papalapit sa may pinto ng gate nila. Bumungad sa akin, ang dalawang batang babae. "Mommy, may tao po sa labas" sigaw nung bata habang papasok sa kanilang bahay.
Pumapatak na ang pawis ko, Dina ako magalaw pa na parang paralisado ang dating, diko talaga kaya. Uuwi na lang yata ako pero nandito na ako. Sayang naman.
Nagugulat ang bawat sandali ng buhay ko noong nakarinig ako ng mga hakbang papunta sa harap ng kanilang pinto, sumasabay ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang niya.
Bumungad sa akin ang maganda, maputi at medyo may kaliitang babae.
Tuwang tuwa ang puso ko noong nasilayan ko siya, naghalo ang aking naramdaman. Natuwa ako kasi hindi siya yung babae na gusto kong makita.
"Magtatanong lang po Sana ako kung meron po si aleng Tina 'yung kapitbahay niyo po"  palusot kong tugon sa kanya. Siguro kung makakalabas lang ang puso ko sa loob ng katawan ko malamang tatalon ito sa tuwa.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now