Chapter VIII

146 12 6
                                    

"Kadalasan, kung sino pa ang nagbibigay ng kasiyahan, siya din maghahatid ng matinding kalungkutan".
                           Maleah Erese Gamiao

Tinakbo ko ng hospital si Diem kaso sarado na ang pinakamalapit na hospital sa amin kaya pinunta ko sa kabilang bayan.

Mabilis ang takbo ng ambulansya. Gising ako ng gising Kay Diem, natatakot kasi akong hindi na siya magigising pa.

Dalawang oras siguro ang nakalipas. Nakarating kami, duguan talaga ang ulo ni Diem, sisisihin ko ang sarili ko kung may mangyari talaga sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng nurse na sumalubong sa amin.

Hindi na ako nagsalita pa, kinakabahan na ako kung ano ba talaga kalagayan niya.

Pinasok nga si Diem sa silid at ginamot.

Isang oras ang nakalipas. Nilapitan ako ng nurse.

"Ms. Gamiao, Pinapatawag po kayo ni Doc. sa may office niya." sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya.

Sumunod na lang ako sa nurse.

Pagpasok ko sa opisina bumungad sa akin ang pangalan ni doc.

Dr. Jordan S. Ramos

Tinignan niya ako ng pataas pababa. Mula ulo hanggang sa aking paa. T-shirt ang suot ko, isang rugged jeans at tsinelas. 

"Umupo ka Ms. Gamiao, kaano ano mo ang pasyente? tanong niya sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko, magsasabi kaya ako ng totoo.

"Girlfriend niya po ako sir" sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Bakit wala kang masabi na pangalan niya" tanong niya sa akin na parang may gusto siyang alamin.

"Doc. may amnesia po kasi siya, wala naman pong kumumkop sa kanya. Kaya po kinuha muna namin ni mama" wika ko sa kanya.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now