"Natatakot ako na balang araw makita kang masaya, Hindi sa piling ko subalit nang dahil sa iba"
-- Daniel Jude Gemino
Umaasa parin ako na sana makita ko siya, yung balang araw makasama ko siya ulit. Kaso baka suntok na sa buwan ang posibilidad na mangyari ulet yun.
"Dan, Dan!!" sigaw ng pinsan kong namumutla sa kaba.
"Bakit?" agad kong tanong sa kanya.
"Diba Meg yung babaeng hinahanap mo?" Agad niyang sagot sa akin.
"Oo, bakit? Ano?" natataranta kong sagot sa kanya.
"Tignan mo 'tong headline ng dyaryo. At dali dali niya itong pinakita sa akin.
Kolehiyo Sa San Juan, Umabot sa 80% ang pumasa sa Entrance Exam.
"Pinsan, tsaka halos siyam na Meg ang mga bago mong kaklase, basahin ko ah, Megie Joy Ramoran, Megay Anne Ruiz, Megan Fae Corpuz, Meg Faith Laño at madami pa. Pabirong sabi ng pinsan ko.
"Sa tingin mo ba pinsan, nandiyan yung hinahanap ko?" Tanong ko sa pinsan kong may halong pagdududa.
"Di natin alam pinsan, minsan kasi kung nanaisin ng tadhana na magkita kayo, mangyari at mangyari yun" sagot ng pinsan ko sa akin.
Natatakot akong umasa na baka mauwi lang ito sa wala, pero ayos lang.
Sana, kung dumating man ang araw na makilala kita at makausap sana naman, pwede pa kitang ibigin.
Sana, pwede ka pang mahalin.
Naguguluhan ang isip ko, matagal ko ng hinahanap si MEG, kaso hindi parin kami nagtatagpo.
Ayaw na ba talaga ng tadhana o sadyang hindi pa talaga ito yung oras para sa aming dalawa.
Kailangan ko munang maging matiyaga at maging matatag sa mga araw na ito.
"Pinsan, tumatawag si papa mo sa akin" biglang singit na sabi sa akin ng pinsan ko.
"Anong ginagawa mo sa buhay mo ah?!" galit na bungad ng papa ko sa phone.
"Bakit pa?" sagot ko sa kanya.
"Nagenrol ka daw sa San Juan, Education ang course mo. Dan, hospital ang pinatayo ko para sa'yo hindi paaralan!" pasigaw na sabi ng papa ko sa akin.
"Pa, pwede ba kahit dito man lang pagbigyan niyo ako" sagot ko sa papa ko.
"Hindi pa ba maayos yan ulo mo ah, hindi pa ba malinaw ang lahat sayo, gamitin mo na naman yang utak mo!" masakit na sabi sakin ni papa.
"Pa, ano bang masama sa pinasukan ko? Mahinaon kung sagot sa kanya, gusto ko nang patayin ang phone.
"Hindi ka aangat sa buhay jan, hindi ka magiging masaya sa kurso mong guro"
Sagot ni papa sa akin na akala mo naman maayos siya sa tungkulin niya.
Oo. Magaling siyang Doktor pero sa mga taong kaya lang tumbasan ng pera ang kakayahan niya.
"Pa, hindi lang sa pera nagiging masaya ang tao. Sagot ko kay papa.
" Sige, Simula ngayon wala ka nang makukuhang sustento sa akin. Hindi pala sa pera ah" wika ni papa sa akin sabay baba sa phone niya.
Kailangan kong maghanap ng matutuluyan na malapit sa school na kung saan ako mag-aaral.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
