"Sana ganun na lang kadali ang ipakita ang tunay na nararamdaman, Di sana di na ako nahihirapan"
-Maleah Erese Gamiao
Natapos din ang unang araw ng pasukan, magpapahinga lang saglit at mamaya papasok naman ako sa isang restaurant bilang isang server ng pagkain.
Masaya ako na kahit papaano natutulungan ko si mama sa obligasyon niyang pagpapaaral sa akin.
Sobrang init talaga ng panahon kahit hapon na.
Nasa apartment kasi ako ni tita, nasa pangalawang palapag kasi ako.
"Maleah!!" sigaw ng lalaki sa labas.
At sino naman kaya yun. Wala pang nakakaalam kung saan ako nakatira maliban kay Althea.
Agad akong sumilip sa bintana, dalawang lalaki.
Ayaw kong magpakita.
"Maleah, Daniel ito", pakilala niyang sabi sa akin.
Gustong gusto ko din talaga siyang kausapin.
Naguguluhan ako pero bahala na.
Lumabas ako, at nagpakita sa kanya.
" Ano pong kailangan niyo po?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Maleah, pwede ba kitang makausap kahit limang minuto lang?" pakiusap niya sa akin.
Gusto ko sanang papasukin sila kaso bawal kasi ang lalaki sa room ko, yun pa man din ang kabilin bilinan ng tita sa akin.
Hindi naman ako pwedeng bumaba kasi may pasok pa ako, unang araw pa man din ng trabaho ko.
"Daniel, bukas na lang" sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige sa may puno na lang ng acasia sa may gilid ng soccer field bukas." wika niya sa akin, kaso nakita ko parin ang kalungkutan sa mata niya.
"Sige, Tanghali na lang" ang sagot ko sa kanya.
"Salamat", huli niyang sambit at sinundan niya na naman ito ng ngiti.
Umalis na nga si Daniel at ang kasama niya.
Nako mukhang mahuhuli yata ako sa unang pasok ng trabaho ko.
"Magandang gabi po sir!" agad kong sambit sa manager ng restaurant, dalawang minuto na lang nahuli sana ako.
"Magandang gabi din, pumunta kana sa may office for the orientation sa mga bagon kagaya mo." sagot sa akin.
"Sige po, salamat". Ang wika ko sa kanya.
Hirap talagang magtrabaho kaso kailangan. Kaya pagbutihin kong maayos ang pag-aaral ko.
Kinakabahan ako sa unang araw ng trabaho ko, parang napapaihi yata ako sa kaba.
Agad kong hinanap ang comfort room.
Nagmamadali ako baka kasi hanapin ako.
Ayun malapit na. Kaso, sa sobrang tanga ko hindi ko nakita na basa pala ang sahig,
Napahandusay na lang ako sa lapag. Ang sakit ng balikat at beywang ko.
Ang bilis nang pangyayari.
" Miss, Okay ka lang?" tanong ng lalaki sa akin na may hawak hawak na map at timba.
"Mukha ba akong okay ah?" sagot ko sa kanya habang nakaupo, napaupo na lang ako sa sakit at dinagdagan pa ng hiya.
"Miss tayo ka na jan, at palitan mo damit mo. Basang basa ka oh." wika ng lalaki sa akin habang may inaabot na damit.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
