CHAPTER XIV

22 2 0
                                    

"Darating din ang panahon na mapapasigaw ka na lang ng salamat"
           -Daniel Jude Gemino

Sa wakas nahanap ko na din si MEG. Sulit lahat ng pagod at sakripisyo ko.

Alam talaga ng Diyos kung saan ang tamang lugar para sa amin dalawa.
Ang lugar na sabay naming papandayin ang kinabukasan namin.

Naging maayos nga ang lahat sa amin.
Sabay lagi kaming kumakain ng lunch sa ilalim ng puno ng acasia sa may gilid ng field.

Yung tipong pawis ka dahil sa laro niyo pero nariyan ka para punusan ito.

Aabutan ng tubig at papalakasin ang loob mo.

Ang bilis ng panahon, halos nakalahati na ang taon.

Intramurals na namin, ako ang napili ni coach oliver na captain sa soccer team ng education department.

Pero, sa intrams ko naman gagawin ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Kinausap ko lahat ng team mate ko para bumuo ng surpresa para kay Maleah.

Imbes na numero ang nilagay sa aming jersey, hindi kundi mga letra.

Sa una hindi mo mapapansin kung anong ibig sabihin nun.

Kasi warm-up palang, watak watak.

Kinausap ko si Althea para isama si Maleah para manuod ng game.

Nakita kong papalapit na si Maleah sa field.

At isa isa sa mga kateam mate ko ay lumalapit sa kanya para iaabot ang tag-iisang piraso ng rosas.

Nagugulat na lang si Maleah sa nangyayari, wala siyang alam sa nagaganap.

Lumapit ako sa kanya ng nakapiring ang Mata. Di baliktad? Inaalalayan ako ni Althea.

"Maleah, alam mong kahit hindi kita nakita, kahit hindi kita mahanap hanap. Malinaw parin ang pagtingin ng puso ko sayo, Mahal na mahal kita" ang pag amin ko Kay Maleah.

"Maleah, gusto kong ipagsigawan at ipakita sa lahat ng tao kung gaano ako kasaya na dumating ka sa buhay ko" dugtong kong sabi sa kanya.

Mukhang nagulat yata si Maleah sa nangyayari at maging mga mata niya ay pumapatak na ang luha.

Sinenyasan ko ang team ko para ayusin ang kanilang sarili.

Naglinya sila at nakaharap sa amin. Hinila ko si Maleah sa Field.

Syempre, ang daming tao sa araw na yun.

Hinihipan ko ang pito bilang hudyat ng kanilang pagharap.

[C] [A] [N]   [U]   [B] [E]  [M] [Y]  [G] [F]

At ang naka marka naman sa damit ko, question mark.

"Maleah, sana malinaw ang lahat sayo.
Mahal na mahal kita. Maleah, pwede ba kitang maging girlfriend?" tanong ko kay maleah habang nakaluhod ang isa kong paa.

"Daniel" mahina niyang sagot sa akin.

Nagulat na lang ako ng iniwan ako ni Maleah sa harap ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagtitinginan ang lahat ng tao sa akin, may mga sumisigaw na parang iniisulto ako at meron namang umiiyak, at meron namang mga baklang lumalapit ang sinasabing, "Yes pwedeng pwede ako".

Grabe. Di ko na pinansin pa.

Hanggang sa bumalik si Maleah.
Kasama ang pinsan kong lalake at si Althea.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now