"Mas pipiliin kong mahalin ang taong pinili akong mahalin keysa sa taong di naman ako kayang ibigin"
-- Daniel Jude R. Gemino
"Maleah, hintayin mo ako" sigaw ko sa kanya ni umalis naman na siyang walang paalam.
"Dan" sigaw ni meg sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako sasama. Hindi ko alam kung sino talaga sa kanila, naguguluhan ako. Pero unti unti nang lumalayo sa akin si Maleah.
Hinabol ako ni Meg.
"Ano bang problema mo ah?" Pagalit kung sabi sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako kilala, ako yung taong inibig mo simula pa nuong bata tayo" tugon niya sa akin.
Pero wala akong maalala.
Nawala na si Maleah sa tingin ko.
"Pasensya kana, wala talaga akong maalala. Kung sakaling ikaw nga si Meg hahanapin naman kita. Pero sa ngayon, susundin ko muna kung anong laman ng puso ko" sabi ko sa kanya.
Nakita kong binalot ng lungkot si Meg pero wala akong magagawa, mahal ko si Maleah.
Iniwan ko si Meg at pinilit kong pumunta sa sakayan pa punta sa kanila.
"Kuya, saglit lang po" sigaw ko sa kondoktor. Habang hinahabol ang jeep alam kong nakasakay na siya.
"Pasensya na po kayo, wala nang bakanteng upuan. Hindi naman pwedeng sumabit kasi paparating na ang ulan" Sagot niya sa akin.
Wala akong nagawa. Wala.
Hindi ko naman alam kung saan pauwi sa bahay namin.
Umupo nga ako sa upuan sa terminal kasi bubuhos na ang matinding ulan.
Maghihintay na lang ako ng iba pang sasakyan.
"Diem" boses ng babae sa likod ko.
Tumingin ako sa likod wala namang tao, madilim na kasi ang paligid kasi binabalot ng maiitim na ulap ang kalangitan. Sa may upuan ko'y mayroong dalawang puno ng acacia.
"Diem" paulit na boses ng babae.
"Sino ka? Hindi ako natatakot sayo" sabay tingin sa likod ko.
"Diem!" sigaw niya sa akin at sinabayan niya ng pagbulgar sa sarili niya.
"Maleah, akala ko nakauwe kana?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ko naman iiwan ang boyfriend ko, baka ano pang mangyari sa iyo" sagot niya sa akin.
"Para ka palang bata matakot" sunod niyang sabi sa akin habang sinundan ng mga tawa.
"Hindi nga ako natakot eh" sabi ko sa kanya.
"Weh, takot ka na ngalang, kita ko sa mga Mata mo" sagot niya sa akin.
"Alam mo kung bakit, kasi isa lang naman ang tumatawag sa akin na Diem, Yung kakaisa isang mahal ko" sabi ko sa kanya.
"Isa?" Tanong niya tapos sinundan ng pagkainis. Di ko talaga maintindihan ang babae minsan, pagkatapos na tumawa o naging masaya bigla nalang nagiging iba.
Yung bang pusa muna na maamo tapos magiging tigre para sunggaban ka ng galit.
"Oo naman. Ikaw lang ang nagiisa Maleah. Sagot ko sa kanya.
" Si Meg, nakababata mo? Tanong niya sa akin.
"Alam mo kung sakaling babalik ang alaala ko, pinapanalangin ko na sana hindi ko na siya maalala dahil mas naramdaman kong may nagmamahal sa akin na bilang isang Diem at hindi bilang Dan". Sagot ko sa kanya.
Di parin maalis sa mukha niya ang pagkatakot.
Tumayo siya at humakbang palayo sa akin na tila'y gusto niyang mapagisa.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
