Chapter X

127 6 1
                                    

"Mas tanggap ko pang masaktan ng katotohanan keysa sa babalutin ka ng tuwa gamit ang puro kasinungalingan"
                -Daniel Jude Gemino



Tignan ko nga kung kailan ang kaya nitong babaeng ito.

Oo, nakokonsensya ako sa mga ginagawa ko sa kanya pero gusto kong maramdaman niya din ang sakit na ginawa niya.

Umasa ako na magiging masaya kaming dalawa at pagkatapos noon, bigla na lang siyang sumama sa iba.

"Kuya, para po. Dito na po kami" sabi ko sa driver ng jeep habang inaabot ang pambayad naming dalawa.

Sa bungad pa lang ng bahay sumalubong agad ang pinsan kong maingay.

"Pinsan, matagal kang nawala ah. Nakita mo ba ang hinahanap mo?" sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong hinahanap ang sinasabi ng pinsan ko.

"Oh pinsan, may kasama ka pala." tanong sa akin ng pinsan ko.

"Maganda ba?" wika ko sa kanya.

"Oo pinsan, isang napakagandang dilag" sagot sa akin ng pinsan ko.

"Ayun odi wala ng problema, ligawan mona pinsan. Single yan" sabay tingin ako kay Meg, mukhang naiinis na yata siya.

"Ikaw talaga pinsan, alis muna ako ah laro lang ako ng basketball, malapit na kasi ang liga dito sa atin eh" sabi niya sa akin.

Umalis na nga ang pinsan ko at laking gulat ko noong sinampal ako sa mukha ni Meg.

"Bakit?" sabi ko sa kanya pero sinundan ko parin ng ngiti alam kong nainis siya sa ginawa ko.

"Basta. Sana naman kung ayaw mo sa akin pwede bang wag mo naman akong ibenta" sagot niya sa akin.

Kakaiba talaga tong babaeng ito. Matapang at wala siyang pakealam kung masasaktan man siya o Hindi.

Grabe kung magmahal din tong babaeng ito. Bihira lang ang katulad niya.

"Upo ka muna diyan at mag aayos lang ako sa kwarto ko" wika ko sa kanya.

Hindi talaga nagbago ang ayos ng kwarto ko. Kilala kasi ako ng pinsan ko pagdating sa mga gamit ayaw na ayaw ko kasing pinapakealaman ang mga gamit ko.

Inayos ko ang mga librong nakakalat sa ibabaw ng kama ko, buti nalang sarado ito at di gaanong napasukan ng alikabok ang mga gamit sa loob.

Bigla na lang akong nagulat ng biglang may yumakap sa likod ko.

"Dan..", boses ni Meg mula sa likod ko.

"Meg, tumigil ka diyan hindi maganda yang ginagawa mo" wika ko sa kanya pero ma's lalong hinigpitan niya ang yakap niya.

"Meg, please lang." wika ko sa kanya. Sa wakas tinanggal niya ang yakap niya sa akin.

Pero.. nakakaramdam ako ng iba. Kinakabahan na parang natatakot.

"Dan, mahal kita" sabi niya sa akin habang nilalapit ang bibig niya sa labi ko.

Pero, hindi ko kaya. Ayaw kong samantalahin ang pagkakataon ito para lang makuha ang gusto ko.

Oo. Pinaparusahan ko siya pero sa ganitong paraan hindi naman na pwede. Ang sirain kung sino siya ang kinabukasan niya.

Tumayo ako at umiwas sa halik niya.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now