Chapter VI

127 12 0
                                        

Lahat ng araw ay magandakung may araw man na hindmagiginmaganda ay yun yung araw na hindmo na ako makilala't maalala"
     -Maleah Erese Gamiao

----------------------------------------------------------

Napatunganga na lang ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi niya na nga ba ako kilala.

"Sino ka?" tanong niya ulit sa akin habang tinititigan ang mata ko.

Bigla na lang napalitan ng lungkot ang kasiyahan ko. Hindi ako makapagsalita, nararamdaman ko nalang na parang tutulo na ang luha sa mata ko.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong sa akin habang nakitingin siya sa mata ko.

Tumititig parin ako sa kanya habang tulala sa mga nangyayari at agad din siyang nagsalita sa akin.

"Ako kilala kita" pasunod niyang wika sa akin at sinundan niya ito ng ngiti.

"Ikaw si Maleah, ang babaeng mahal ko" sabi niya sa akin.

Nagbuntong hininga ako nuong narinig ko ang salitang yan mula sa kanya. Pinagloloko na naman ako ni Diem.

"Diem, binibiro mo na naman kasi ako." sabi ko sa kanya.

Agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Sorry maleah, mahal ko," sagot niya sa akin. Pinunas niya ang luha sa aking Mata at hinagkan ako ng mahigpit.

Di parin nawala ang kalungkutan ko, Paano nga kung totoo palang di na niya ako kilala, paano kung pag gising niya hanapin niya si Meg sa akin.

"Maligo kana Diem at pupunta na tayo sa bayan" sabi ko sa kanya.

At agad niya namang tinugon ang utos ko sa kanya.

"Maleah!" sigaw niya mula sa banyo.

"Bakit mahal ko" tanong ko sa kanya.

"Paabot naman nang tuwalya, nakalimutan ko kasing dalhin dito eh" sabi niya sa akin.

Lalaki nga talaga. Minsan nakakalimutan nila kung ano yung mga kailangan nilang kunin.

"Mahal ko, heto na po oh" sabi ko sa kanya. Habang inaabot ko mula sa taas ng banyo. Nasa labas kasi ang banyo namin, yari sa pinagtagpi tagping kawayan, at wala itong bubong.

"Salamat mahal ko" sagot niya sa akin at halos minuto lang lumipas, natapos din siyang maligo.

"Kain kana muna Diem at maliligo lang din ako ah" sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang mga damit ko, papuntang banyo.

"Sige pero sabay tayong kakain, hihintayin na lang kita" sagot ko sa kanya.

Isang oras siguro ang lumipas bago ako natapos na maligo, sabay nga kaming kumain at gumayak.

"Diem, tara na. Malayo pa lalakarin natin ah, baka dika marunong maglakad sa pilapil ng bukid." paalala ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

Nakapaa paa kaming naglalakad, pagkatapos kasi namin lagpasan ang pinyahan, sasalubong naman sa amin ang palayan na may malapit sa ilog.

Ganito kasi sa amin, kung ano ang malapit na lupa sa tubig ginagawang palayan at ang malalayo naman, tinatamnan ng pinya o gulay.

Nakakatuwang pag masdan si Diem, hawak hawak niya ang kanyang sapatos habang naglalakad sa ibabaw ng pilapil.

Para siyang lasing na maglakad, kanan, kaliwa o minsan nahuhulog pa siya sa pilapil.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now