Chapter I

391 20 1
                                        

"Ang mahalin ka ang pinakamadaling ibigay sayo subalit ang kalimutan ka ang pinakamahirap".

-------------------------
Tumingin ako sa mga mata niya, na halos ayaw kong bumitaw sa tingin.

Hanggang may salitang lumabas sa bibig niya.

" Mahal na mahal kita, akin ka lang ah".

Hanggang sa may bigla na lang akong naramdaman na sakit at agad agad kong hinawakan ang aking likod at doon ako nagkamalay at nagising sa katotohanan na limang taon na pala kaming hiwalay ni Meg.

"Pati ba naman sa panaginip, umaasang magiging kayo ulit. Limang taon na ang nakalipas, gumising ka naman Dan" ika ng isip kong akala naman matalino.

Alam ko din na may pagkukulang ako sa oras at mga effort na gusto niya. Pero huli na tapos na ang lahat.

Paano kaya kung.. Magsulat ako ng libro at dun ko babaguhin ang takbo ng relasyon namin. Babaguhin ko ang bahagi na kung saan naging magulo ang lahat. At baka sakali...

Oo nga. Baka sakaling magiging maayos ang takbo kahit dito lang sa libro ko. At baka sakaling makita ko kung saan ako nagkulang at baka sakaling maitama ko ang lahat.

Mahirap palang simulan at balikan ang pangyayari na kung saan masaya pa kaming dalawa.

Pero eto na.

" O isa na lang, pupunta na last trip na ito wala ng susunod" sigaw nung kondoktor ng jeep sa terminal.

Binilisan ko ang takbo, madilim na kasi ang paligid at lalong dumilim pa kasi paparating na ang ulan.

Pagkahawak sa bakal ng jeep may babaeng may hawak na sanggol, kahit papaano may awa naman ako.
In short, Wala nga akong sinakyan pauwi.
"Kuya, wala na bang darating na jeep?" Tanong ng dalagang papalapit sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, hanggang sa may liwanag na tumama sa kanyang mukha.

"Minumulto ba ako?" Tanong ko sa sarili kong nabibighani sa kanya.
Maputi, maganda ang katawan, maiksi ang buhok at may kaliitan lang naman konti pero hindi kabawasan sa ganda niya.

" O kaya isa siyang anghel, subalit wala naman pakpak". Patuloy ang pagdududa sa sarili kung tao nga ba ang kaharap ko o hindi.

"Kuya"- salitang binitawan niya para lang makuha ang atensyon ko.
Mas lalo kasing nakikita mo ang ganda niya pagtinititigan mo ito ng matagal.

Mas lalong nakita ang hulma ng katawan niya dahil basang basang ang kasuotan niya. "Dan, kung ano ano na naman nakikita mo" sabi ng utak ko sa sarili kong nagiinit ang laman.

Nakangiti na lang ako habang patuloy siyang nagtatanong, lumilipad kasi ang isip ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya sa ulan. Humawak siya sa balikat ko at agad agad kong nilagay ang kamay ko sa beywang niya.

Nagkakatitigan kaming dalawa hanggang sa papalapit ng papalapit ang aming mukha.

"Beep Beep" tunog ng Bus na papalapit sa terminal. Nagising ako sa kahibangan ko.

"Kuya, sasakay kaba sa Bus? Tanong ng babae sa akin. " Hindi eh, iba naman ang ruta niya" agad kong sinabi sa kanya.

Imahinasyon ko lang pala lahat, mahirap makuha ang ganitong babae pero madali lang mahalin.

"Ikaw ba sasakay kaba?" Tanong ko sa kanya, habang nakikita Kong lamig na lamig na siya dahil sa basang kasuotan niya.

"Hindi po eh, iba din kasi ang pupuntahan ko" sagot niya sa akin habang nanginginig ang kamay.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now