Chapter IV

138 12 0
                                        

"Minsan natatakot tayong mag-alay ng pag-ibig sa taong gusto natin mahalin lalo na't kung mismong sarili niya di niya kilala"
                --Maleah Erese Gamiao

-----------------------------------------------------------

Maleah, tapos Meg. Parang malayo naman yata yung pangalan ko sa hinahanap niya.
Maputi siya, matangkad kaso medyo may kapayatan. Kung sa ugali, okay naman siya kaso pikunin lang.

"Uy, gising na. Kain kana tanghali na oh" sabi ko Kay Diem habang hinahampas ko ng unan ang likod niya.
Nakakatuwa siyang pagmasdan, mahaba ang mga pilik mata nito at pula ang labi nito.
Ayaw pa rin niyang gumising.
Paisa-isa ang hinga niya.
Mas lalo akong kinabahan.
Mas lalo akong natakot wala pa man din si mama, maaga kasi silang nagpitas ng pinya.
"Hoy, gumising kana!" habang niyuyugyug ko ang balikat niya.

Hanggang sa nakakaramdam na ako ng kalungkutan. Hinawakan ko ang kamay niya habang paunti unting pumapatak ang luha sa mga mata ko.

"Diem, kakikilala lang natin pero bakit naman ganito. Wag please. Wag mo naman akong iwan." daing ko sa kanya habang dumadaloy ang luha sa mata ko.

Pero puro kalokohan pala ang lahat. Bigla na lang siyang nagsalita.

"Ganun ka pala umiyak pag umalis ako" sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Loko ka! Hindi magandang biro ang ginawa mo ah" sabi ko sa kanya habang pinupunusan ang luha sa mata ko.

"Nakaganti rin ako sa pang-aasar mo sa akin" sabi niya sa akin na parang tuwang tuwa sa ginawa niya.
"Wag mo nga akong kausapin" sagot ko sa kanya.

Nainis talaga ako sa ginawa niya.

Iniwan ko siyang nakahiga at lumabas na lang ako.

Ayaw kong makipagusap sa mga taong ganun magbiro.

Pero hinabol niya ako ng mga tanong. "sabi nila pag iniyakan mo daw ang isang tao ibig sabihin mahalaga daw siya sayo, Maleah mahalaga ba ako sayo?" tanong niya sa akin habang hinahabol niya akong palabas.

"Hindi." sagot ko sa kanya.

"Bakit mo ako iniyakan?" tanong niya ulit sakin.

"Wala. Iniyakan kita kasi baka sisihin kami kasi dito ka sa amin pumanaw. Ayaw ko lang madamay ang pamilya ko." kasinungaling sagot ko sa kanya, nakakaramdam na din kasi ako ng pag-ibig sa kanya.

"Ganun ba, hayaan mo. Pag naalala ko lang kung saan ako nakatira, uuwi na din ako" malumbay niyang sagot sa akin.
Tumalikod na lang siya sa akin at umalis.
"Saglit lang" pigil kong sabi sa kanya. Pero di siya umimik.
"Diem, pag naalala mo na kung sino ka. Ako na mismo ang magtatapat sa iyo." sabi ko sa kanya kaso di niya parin ito pinansin na parang di niya narinig.

Hayaan ko na nga lang muna. Nasaktan ko yata siya. Ayaw ko namang sabihin na mahalaga siya sa akin di parang inamin ko din na gusto ko siya.
Mahirap magtapat ang babae baka pagsamantalahan lang. Baka abusuhin ka lang o kaya hilingin ng nais nilang kunin.
Hay nako, Wag.

Ayaw ko din namang umasa baka masaktan lang ako. Malay ko may pamilya na pala siya o kaya anak siya ng mayaman na ayaw sa probinsyana.

Takip-silim na pero di parin niya ako kinakausap. Mukhang galit yata. Mula sa kusina tanaw ko siyang nakaupo sa may lilim ng mangga, malayo ang tingin at malalim ang iniisip.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now