"Wag mong sayangin ang pagkakataon na lumipas lang, baka sa huli ito pa ang maging dahilan ng kalungkutan"
-Megan Rose Sebastian
Mahirap talagang ipaglaban ang taong sumuko na sa'yo kaso mas piiliin kong ipagsigawan ito keysa tatahimik na lang at ilihim ang tunay kong nararamdaman.
Ayaw kong sabihin kay Dan ang lahat tungkol kay Maleah. Baka mas lalong lumayo ang pakiramdam niya sa akin.
Oo. Ako nga ang gusto ni Tito Jordan pero nawala naman na ang pagmamahal sa akin ni Dan.
Mahirap. Sana kung maibabalik ko lang noong panahon na maayos pa, Sana diko na sinayang pa.
Pero di pa naman huli ang lahat.
Dinalaw ko si Dan sa bahay nila. Magkapit bahay lang kasi kami at magkaibigan si papa at si tito.
"Tito, ipapaalam ko nga po si Dan. Lalabas lang po kami." paalam ko kay tito habang nagkakape sa may salas nila.
"Sige meg, okay yan makakatulong yan sa recovery niya. Basta, magingat lang kayo ah." sagot sa akin ni Tito.
"Salamat po, si Dan po ba tito?" tanong ko kay Tito.
"Nasa loob siya ng kwarto niya, naglalaro ng online games" sagot ni tito sa akin.
Kumatok ako sa pinto niya.
"Dan, Meg ito" sigaw ko sa kanya habang sinusundan ng katok.
"Ano yun, busy ako." sagot niya sa akin.
"Kakausapin lang sana kita, kung pwede" sabi ko sa kanya.
"Sige, bukas yang pinto. Di yan nakalock." Sagot niya sa akin.
"Dan, labas nga din tayo. Kain lang tayo sa labas" sabi ko sa kanya.
"Tinatamad ako, tsaka nagpaparank ako wag mo muna akong kausapin ah" sagot niya sa akin.
"Ah? Okay. Sige kausapin mo lang ako pag tapos kana ah". Sagot ko sa kanya.
Grabe talaga tong pagmamahal na meron ako sa kanya. Nakakainis na. Diko alam kung mahal ba ito o naninigurado lang na magiging maayos ang future ko.
Pero, hindi naman tungkol sa pera usapang pagmamahal to. Mahal ko si Dan at bonus na lang yung mga pera niya pagdating ng panahon.
At sa huli pumayag din siyang lumabas...
Nakarecover nga si Dan halos limang buwan na ang nakalipas simula noong nakalabas siya sa hospital.
Kaso.. Limang buwan na din akong umaasa at nagpapatanga para muli niya akong mahalin.
Ako nga ang kasama pero laging ang babaing nasa panaginip naman niya ang hanap.
Sana dumating naman ang panahong kahit konting pagmamahal niya sa akin ay bumalik.
"Dan, wala ka na ba talagang nararamdaman sa akin?" tanong ko kay Dan habang kumakain kami sa isang fast food sa bayan.
"Bakit ba yan ang lage mong tanong sa akin, kung bibilangin ko, ito na yung pang anim mong tanong ngayong araw na ito" sagot sa akin ni Dan. Napahiya ako sa tugon niya.
Gusto ko naman kasing malaman kaso parang nagmumukha na akong desperada sa lagay na ito.
"Yun nga Dan, bakit kasi dimo kayang sagutin handa ko naman tanggapin kung ano magiging tugon mo" wika ko sa kanya.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
