"Ang tunay na nagmamahal kayang sumugal alang-alang sa pag-ibig na inaasam"
- Maleah Erese Gamiao
-----------------------------------------------------------
"Wag ka nang magsalita Maleah, ramdam ko naman eh." biglang wika niya sa akin.
Ano kaya, ramdam niya kayang mahal na mahal ko siya, wika ng isip ko.
"Ramdam mo na ano Diem?" tanong ko sa kanya habang sinundan ko ng ngiti.
Pero nagulat na lang ako sa sinabi niya na taliwas sa gusto kong marinig. "Ramdam kong takot kang mahalin ako kasi baka sa dulo nito masasaktan ka lang".
At sinundan niya ito ng hakbang papalayo sa akin.
Hindi lang pala siya pikunin, matampuhin din. Talo pa niya ang babae na may period.
Hanggang sa sampung metro na ang layo niya sa akin.
" Diem!" sigaw ko sa kanya pero di siya pumansin siguro di niya ito narinig.
Takip-silim na, nag aagawan na ang liwanag at ang dilim. Sabayan pa ng rumaragasang hangin na tumama sa mga puno. Na hudyat na paparating ang ulan.
"Diem!" inulit kong sigaw sa kanya.
Pero di parin niya ito narinig.
"Diem!" paulit kong sigaw sa kanya.
Kung lilingon siya talagang akin siya.
Kunng lilingon siya aamin ako na mahal ko na siya.
At lumingon nga siya.
Kinabahan ako, huminga ako ng malalim at hinihintay siyang magsalita.
"Ano?", sigaw niyang sagot sa akin.
" Kasungit naman nito" bulong ko sa sarili ko.
Pero mukhang napansin niya yata ito.
"May sinasabi kaba diyan?" tanong niya sa akin.
"Oo meron", sagot ko sa kanya habang tumitingin ako sa kanya mukhang tanga na kaming naguusap nito, malayo ang distansya naming dalawa.
"Ano nga yun?" tanong niya ulit sa akin. Hindi lang pala matampuhin ito, masungit pa.
"Diem Mahal kita!" sagot ko sa kanya. Buong lakas kong sinigaw sa kanya kaso sumabay ang kulog sa salitang binitawan ko.
Hindi niya nga narinig ang sinabi ko.
Nagdidilim na ang paligid at bigla na lang bumuhos ang matinding ulan.
Bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinila ako sa may lilim ng mangga.
"Upo muna tayo dito" sabi niya sa akin.
Hindi na lang ako sumagot, umupo na lang ako na walang imik. Sayang kasi yung effort ko na pagsabi, wala din lang kasing napuntahan. Sayang naman.
"Maleah, ano pala yung sinasabi mo sa akin kanina" tanong niya ulit sa akin.
"Wala 'yun" sagot ko sa kanya. "Sasabihin ko lang sana na kailangan na nating sumilong kasi malapit nang umulan" palusot kong sabi sa kanya.
"Alam kong meron kang gustong sabihin sa akin kanina" paulit niyang tanong sa akin.
Kailangan kong umamin sa kanya kahit alam kong may kapalit ito na sakit sa huli.
"Diem, mahal na kita!" bulong ko sa kanya.
"Ano ulitin mo nga maleah" patanong niyang sabi sa akin at sinundan niya ito ng ngiti at hawak sa aking kamay.
"Alam kong may gusto kang sabihin sa akin Maleah" paulit niyang wika sa akin.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob humarap ako sa kanya at tumingin sa mga mata niya.
YOU ARE READING
BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019
RomanceKung meron lang sanang paraan para burahin ang bahagi na kung saan naging magulo ang relasyon namin, hanggang ngayon siguro masaya pa kami.
