CHAPTER XV

36 3 0
                                        

Sa bawat kwento alam mong may dulo nito, subalit hindi natin alam kung ang dulo ba nitoy masaya o puno ng aral.

-----------------------------------------------------------

Sa wakas, natapos ko ding mabuo ang kwento na ito.

Grabe anong oras na oh, Alas tres na ng umaga.

Bukas, ipapadala ko na lang sa publisher para magawa ng libro to.

Nakakagaan talaga sa pakiramdam, para akong naglakbay sa panahon na masaya pa kaming dalawa ni Meg. Limang taon na ang nakalipas, siguro kung ganun lang ako kayaman katulad ni Daniel. Tanggap siguro ako ng pamilya niya.

At malamang, handa pa niya akong ipaglaban.

Nakakapagod talaga sa office, madaming ginagawa. Makapagpahinga na nga.

Sino naman kaya 'tong tumatawag sa akin ng halos alas tres na nang umaga ah.

Number lang naman siya, di naman siguro importante ito. Sa totoo lang nakakaistorbo siya ng tulog.

Grabe, paulit ulit na lang ang kulit naman nito.

"Hello, sino po sila?" tanong ko sa kanya.

"Hello po, isa po ako sa taga hanga mo, pwede po bang papirma po bukas ng libro niyo po, kakabili ko lang po kasi sa bookstore, sa may office niyo na lang po bukas, salamat po, Bye" deretsong sambit ng babae sa tawag.

Grabe naman di man lang niya ako tinanong kung may gagawin ba ako, parang kilala niya naman ako.

Hindi na ako makatulog, total mag-uumaga na. Kailangan ko ng magluto ng pagkain at para maagang makapasok.

Sakto, 6 na ng umaga. Kailangan ko ng pumasok.

Sino naman kaya yang babaeng nasa harap ng office namin, aplikante kaya siya o baka naman yan yung magpapapirma ng libro.

Bakit kaya alam niya.

Nagulat na lang ako sa nakita ko.
Si Meg.

"Magandang Umaga" bati niya sa akin habang nakangiti. Ang ganda niya parin, nagiba nga lang ang itsura niya, napakamatured na. Limang taon na kasi ang lumipas simula noong huli ko siyang nakasama.

"Usap muna tayo Dan, total maaga pa naman" dugtong niyang sabi sa akin.

Pumasok kami sa isang coffee shop sa may tabi ng office.

"Dan, ang ganda ng kwento sa book mo. Sana makahanap din ako ng lalaking parang Kay Daniel no?" wika niya sa akin .

"Meg, si Maleah ay isang babaeng kayang tumanggap ng totoong pagkatao ng tao. Kaya niyang ipaglaban ang nararamdaman niya." sagot ko sa kanya.

"Matanong nga kita, paano na ba tayo ulit naghiwalay?" tanong ko kay Meg.

Di siya umimik.
Hanggang sa..

"Dan, maari ka bang bumalik sa akin? Akala ko kasi siya na ang lalaking makakatuluyan ko habang buhay, pero hindi pala." sagot niya sa akin.

"Ganun na lang ba kadali ang lahat. Sabi nga nila, ang tunay daw na relasyon may comeback.

Kaya alam ko, wala itong comeback kasi nga Hindi naman tunay" wika ko sa kanya.

"Meg, hindi ka naman maghahanap ng iba kung alam mong sapat na ako sayo diba?" dugtong kong sabi sa kanya.

BACKSPACE #PhTimes2019 #TPawards2018 #DreamersAward2018 #TOA2018 #wattys2019Where stories live. Discover now