Nasaan Ka Kaibigan Ko?

12 0 0
                                    


Parati bang ganito?
Nag-iisa sa bawat oras.
Naghihintay sa taong para sa akin.
Na isang totoong kaibigan...
Ang tuturing sakin;
Maunawain, matiyaga at higit sa lahat mapagmahal.

Kailan ba?
Saan ba?
Sino ba?
Ano ba talaga?
Pagod na ako sa kakaasa.
Bawat taon, bawat panahon isa-isang tao ang napapalapit sa akin.
Ngunit kaibigan nga ba?
Sila ba ay totoo sa akin?
Hindi! Parati nalang akong naiiwan , iniiwanan, pinapabayaan ng walang dahilan.
Ayaw ko ng umasa pa
Sapagkat marunong din akong mapagod
Tatanggapin ko nalang na wala talaga,
Na walang kahit isang taong magpapahalaga sa akin.
Ngunit kung dadating ka man sa buhay ko...
Maghihintay ako...
Aking tunay na kaibigan sa kasalukuyan.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon