Tadhana

29 0 0
                                    

Walang katapusang panahon,
Kailan at saan ba kita matatagpuan?
Walang katapusang panghahamon,
Ano at sino ka naman?

Ngunit kung tadhana nga naman,
Maghihintay sayo kailanman
Hindi maiiritang manahimik sa kadiliman
Sapagkat iisiping ika'y naririyan.

Tadhana, ika'y aking pinaniniwalaan
Ipakita ang aking magiging kasintahan
Na siyang liliwanag sa gitna ng kadiliman
At hihiranging anghel ng kalangitan

Siguradong ang mga tanim na natuyo
Ng dahil sa apoy na mapaglaro
Ay muling yayabong tulad ng isang puso
At tataglayin ang lakas upang muling tumayo.

Alam kong ika'y dadatal
Oh, tadhana! Pakinggan ang pusong dumadaldal.
Ngunit siguraduhing ako'y mahal
Ng taong nahalal...

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon