Ina Ko...

13 0 0
                                    


Ako'y sakim...
Sakim sa pagmamahal...
Pagmamahal na galing sa ina...
Inang marunong umunawa't magpahalaga.

Ngunit nasaan, nasaan siya?
Mula pagkamulat sa mundong ito'y wala siya
Ako'y iniwan na lamang
Na para bang walang halaga sakanya!

Sapagkat hindi niya kasalanan
Na ako'y kanyang iniwanan
May maraming dahilan sa mundong ito
Minsa'y ang dahilang ito'y 'di matatanggap nino man.

Nagsisisi sa kawalan
Kawalan sapagkat ako'y iniwan
Iniwan na mag-isa mula sa simula
At hanggang sa huli.

Ngunit ina mahal kita
Kahit ika'y 'di ko pa nakita sa personal
Kahit huli mo akong niyakap sa iyong sinapupunan
Kahit 'di ko narinig ang boses mo...

Mahal kita...
Kahit 'di ko nasilayang ngumiti ka para sa akin
Ngunit ina, alam kong magkikita pa rin tayo
Ina, maghihintay ako sa araw na 'yon...

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon