Mananatili Ba Sa Puso Mo?

17 0 0
                                    



Ang tanging naiisip ay ang ngiting nakakapagpasaya sa taong nagmomokmok
Ang tanging nasa puso ay ang pangalang para sa akin ay hindi marurupok
Ang tanging gustong makapiling ay ang taong sa puso ay  nakakapagpatibok
At sabi mo'y ganoon din ang nararamdaman mo sa aking puso na hindi napapagod sa pagmamahal ko sayo na kagaya ng isang lamok

Ngunit, aking itatanong.
Mamahalin mo pa kaya ako kahit wala na ako sa tabi mo?
Dahil sa ngayon palang naiisip ko na bibitaw ka sa akin.
Ngunit mali bang itanong ko ito sayo?
Mali bang manigurado ang puso ko?

Hindi ko kayang isipin na hindi mo na ako mamahalin
Ako lang ba talaga ang nasa puso mo,
O may iba pang nakasingit diyan?
Hindi ko kasi mapigilang magtanong
Gusto kong malaman kung seryoso ka ba talaga.

Ako lang ba ang mamahalin mo hanggang sa huli?
Makisarili ba ako pagsabihin kong ako lang, ako lang dapat ang nasa puso mo?
Mali ba na angkinin ko ang puso mo?
Dahil ayaw ko kasi na may iba kang mahal, ayaw ko na may kahati ako.
Oo, ganyan ako kamakisarili kapag tunay na ang nararamdaman ko.
Pasensiya na kung ganito ako
Takot, takot lang ako na agawin ka sakin
Dahil hindi ko kayang mabuhay ng wala ka
Muli, aking itatanong.......
Ako ba ay mananatili sa puso mo kahit ako'y lumisan na?

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon