Bakit ba ang kasiyahan ay panandalian lang?
Okasyon, kainan, inuman, kantahan at sayawan ang lamang
Sa panahong ang tao'y gustong magsaya,
Linilimutan ang mga problema.Tumatawa ng husto
Ngumingiti ng todo
Sumasayaw ng sobra
At nagpapakitang malaya siya.Ngunit sadyang hindi natin matatakasan ang mga problema
Labag man sa kalooban ay nararapat na harapin sila
'Ngunit sa ngayon hayaang maitago muna kita
Upang sarili'y maranasan ang kasiyahan',iyon ang sabi nila.Patawad, kasiyahan ay tapos na
Hayaan nating magwakas na
Ayaw ko man ng lungkot ngunit anong magagawa sapagkat ito na talaga
Ayaw kong dumating ang bukas ngunit walang magagawa pa.Ako'y masaya ngayon
Ngunit hindi ako ganito kahapon
Baka dahil ito sa panandaliang kasiyahan mo
Wala kamang masamang intensiyon ngunit ikaw din ang dahilan kong ba't ko nararanasan ang lungkot mo.May mga oras na ayaw kong makisama sayo
Sapagkat iniisip na,'kapag naranasan na kita ay may maibabago?,
Maiwawala mo ba ang mga lungkot na nasa puso ko?,
Magtatagal ka ba ng pamhabambuhay kasama ko?'
Talagang hindi ka magtatagal sa buhay at puso ko.Panandalian ka lang
Iyon ang ikinatatakot ko
Na kapag dumating na ang bukas ay siya na ang kaparusahan ko
Kaya sana'y maintindihan niya ang kahulugan ng totoong kasiyahan na lalamangan ng lahatPagdurusa man ang nakaharap
Ngunit sa katapusa'y ika'y ngingiti at magsasabing,'nagawa ko,
Nagawang makalagpas dito at talagang ipagmamalaki ko ang sarili ko'.
Walang papantay sa kasayahang ito.....
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.