Matutong magmahal sa inang kinamulatan
Iniisip, na kayo ba'y hindi pa namumulat sa kasamaan?
At ako ngayo'y hindi pa tumatahan
Ayaw ng puso ko na kayo'y kamuhianAko'y inyong mahalin
At sa pagkilos huwag maging mahinhin
Ang mga tao'y gusto kong hulihin
Ngunit gusto ko kayong ibiginMuli kong isasambit sa inyo ang pangalang inyong binura sa isipan
Ako ang Inang Kalikasan
Ako ang gumagabay sa inyong kalusugan
Kaya huwag mo akong ipagtabuyanAking mga anak, bakit niyo ako pinabayaan?
At ako ngayo'y inyong tingnan malapit ng mamatay sa inyong kagagawan
Kaya ako'y nangangamba na baka bukas ako'y mawala at kayo rin ay mawawalanBukas pa ba ang mga puso niyo?
Ang mga isip niyo ba'y nilason?
Kinain ba kayo ng kasamaan?
Huwag sana kayong ganyan.
Ako'y inyong alagaan
At huwag kalimutang ako ang inyong buhayHindi ko hinihingi ang kapalit ng aking paghihirap
Ngunit hinihingi ko ang nararapat ibalik
Inyong linisin ang aking puso
Katawan ko'y inyong diligan sa mga luhang kusang tumalo
At iyan lang ang tanging kasiyahan koHuwag niyong hintaying ako'y mawalan ng hininga
Sapagkat kung ito'y mangyayari kayo'y hindi magiging masaya
At iyon ang ayaw kong mangyari sa inyo dahil kayo'y aking mahal......
BINABASA MO ANG
Poems
ПоэзияMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.