Pamilyang Wasak

22 0 0
                                    







Puso'y nadurog
Hindi dahil galing sa ibang taong pag-irog
Ngunit sa pamilyang sabog

Palaging away ang nadadatnan
Kahit isang payo'y hindi pinapakinggan
Kaya puso'y galit sa sino man

Hindi natutong magmahalan
Kahit sa sariling magkadugo'y nagkakasakitan
At nauwi sa pag-iiwasan

Bakit? Bakit ang pamilya ko'y ganito?
Kahit saglit walang pagmamahalang natutunan ko dito
Puro sigawan ang nagpapapuno sa buhay ko!

Pamilyang wasak ang mayroon ako
Maipagmamalaki ko ba ang mga ito?
Iyon ang hindi magagawa nino man sa sitwasyong ito.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon