Isang ngiti
Sa wakas ay milyong-milyong pighati
Isang sulyap
Sa wakas ay libo-libong paghihinagpisDalawang araw ang inilaan
Sa pag-ibig na magdadaan
Isang sulyap sayo, isang ngiti sa akin
Ngunit ngiti mo ba talaga'y para sa akin?Sa mga oras na magkasama
Minahal mo ba akong talaga?
O binalewala na para bang hindi nagkatagpo?
Dalawang araw at isang gabi'y kayamanan ko na.Usapa'y nagkatotoo
Ngunit pangarap ko'y naglaho
Sa panahong magkasama'y binigay ko na ang lahat,
Sa panahong magkasama'y lubusan akong naging maligaya...Ngunit, pagkatapos ng dalawang araw at isang gabi'y muli akong nanamlay
Mga ngiti't yakap mo'y biglaang naglaho
Sa ngayo'y panaginip nalang ang mga nangyari sa panahong nagdaan.Ngunit, pipilitin kong maging masaya sa mga oras na wala ka...
BINABASA MO ANG
Poems
ПоэзияMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.