Tanong Ko, Sagot Ko.

12 0 0
                                    


Ako ba'y iniwan mo 'pagkat may mahal ka ng iba?
O iniwan 'pagkat nagsawa na?
Huli na ba ang lahat ng sabihin kong mahal kita?
O sumuko ka dahil sa tingin mo'y wala na?

Oo, ako'y iniwan mo dahil ika'y may iba!
Oo, ako'y iniwan mo dahil ika'y nagsawa na!
Oo, huli na! Ng sabihin kong mahal kita!
Oo, sumuko ka dahil wala ng pag-asa!

Ngunit! Tanga ba ako?
Na hanggang ngayon ikaw pa rin ang nasa puso ko?
Sakim ba ako?
Dahil hanggang ngayon gustong ika'y nasa tabi ko?

Oo! Alam kong tanga ako!
Dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin kita kahit paulit-ulit na sinasaktan mo ang puso ko!
Pero, para sa akin.....ang sakim ay hindi ako!
Isa lang akong taong nagmahal sa isang nilalang na sumuko!

Wala ba akong halaga sa isang katulad mo?
Sumuko ka ba dahil naramdaman mong mali pala ang hinala mo na ako ang mahal mo?
Sinadya mo bang mahulog ako sayo?
Inisip mo ba na saluhin ako?

Oo! Wala akong halaga sayo!
Sumuko ka dahil napagtanto mo na peke ang pagmamahal mo na para sa isang taong walang alam sa mga patibong mo!
Oo! Sinadya mong mahulog ako!
At kahit kailan, hindi mo inisip na mahalin ako ng totoo na kahit sa kunting oras lang, na kahit maiparamdam mo lang sa akin na kahit sa kunting panahon ay napasaya kita sa huling pagkakataon.

Sino ba ang may mali sa ating dalawa?
Sino ba ang nagpumilit na simulan ang kwento na sa huli ay ako....ako!....ako ang magsisisi?
Sino ba ang may kasalanan sa mga pangyayaring ito?
Sino ang dapat sisihin?
Ikaw? O ako?

Ikaw! Ikaw ang may mali! Pilit mong tinulak ang puso ko sayo, at ngayo'y nahulog na nga dahil sa tulak mong walang awa!
Ikaw! Ikaw ang nagsimula sa kwentong hindi dapat buhayin sapagkat mabangis kong imulat!
Ikaw! Ikaw ang sinisisi ko sa lahat! Ngunit ako rin, dahil hindi ko linakasan ang loob ko, dahil hindi ko linabanan ang maling akala na hanggang sa huli ay ipaglalaban mo ang pekeng pag-ibig na inalay mo sa akin!

Ikaw at ako ang may kasalanan........

Ngunit ito lang ang tanong na hindi ko masasagot,
Alam mo ba kung hanggang saan kayo magtatagal?
Dahil para sa akin ay walang hangganan sa mundong ito
Dahil lahat ay nagwawakas...........

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon