(10-24-22 Afternoon )
Malambot na lupa ay wari ba'y pinagyayaman yaring buto.
Dulot na rin ng mumunting yamog ay nagbigay aliw sa kaniyang giliw,
At ng humalik ang araw ay tila ba'y sumigla yaong ako
Dahilan nito'y napagmuni-muni na ako'y titindig na.Kaniyang biniyak ang silid-taguan
Malambot na katawan at mga kamay kaniyang iniunat
Habang ang puso't isipa'y inaasam yaong maganda
Kaya't pagdilat ng mga mata'y, "Anong kay rikit at tila mapang-agaw pansin?"Musmos na isipa'y inaaliw ng madla,
Pagpupuri'y tila tinatanggap mula sa nakatikom na mga bibig.
Mga mata na lamang ang yaong makapagsasabi,
Kung siya'y itinutulak mula o sa kabiguan at kawalan.Munting halaman, mga mata mo'y iyo ng ipikit
Sapagkat kalooban ko'y nanginginig na sa takot
Pagkamangha't kagalakan kaya'y mananatili pa sa matayog mong kinaroroonan,
O ibababa mo't sarili'y tatakpan ng takipsilim?Mga makulimlim na ulap ay sadyang sabik ng magparamdam
Dala nila ang takot na sayo'y inihiwalay
Muling bubuksan ang tarangkahan ng paghihinagpis,
At tila'y mananatili't papaikot-ikot sa hindi mabilang na mga araw.Munting halaman ko, ramdam ko ang 'yong labis na lungkot at takot.
Nang iyong masilayan ang bilis ng pagbabago'y dumaing ka
Mukha'y pinuno na ng tandang pananong,
Kung kaya't bumulong, "Mga larawan ng mata'y tila'y mapanlinlang."Hanggang sa katapusan ng pananatili'y hinagupit ka
Subalit sa kabila ng sugat mo'y tumindig kang muli,
At unos ma'y ginawa mong pataba sa sariling lupa
Kaya ganoon na lamang ang paghanga sa iyo ng liwanag.
BINABASA MO ANG
Poems
PoesiaMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.