Gampanin Ng Panganay

19 1 0
                                    

Ginawa ko itong tula para sa project ko sa Filipino subject sa 3rd grading.

12/04/19

Responsibilidad ay iniaakay
Pwedeng maging landas na s'yang gagabay
Patungo sa mga buhay na hinihintay
Kapalit, haligi at ilaw, papantay!


Ako! Na ang siyang panganay sa'ming bahay
Oo! Ito ang kulturang dapat sundin
Kinamulatan man o hindi sa buhay
Ako! Nararapat na maging bituin...


Ang sarili ko ay isasakripisyo
Ihalintulad, isang batang sundalo
Wala man sa akin ang siyang sasaludo
Pakatandaan! Kinamit ko ng todo!


Ang mga luha at pawis man ang kapalit
Tatayo't kakapitan kayo ng higpit
Mga kapatid ko kamay ninyo'y ilapit
Pangako! Maglalakbay at ito'y bitbit


May mga oras man na ako'y sumusuko
Maiisip at maiisip ko kayo!
Ako na ang siyang mga gusali ninyo,
Patuloy sa pag-usbong na kasama mo.


Ako ay ang bulaklak sa iyong harden
Papatay ng halimaw na saloobin
Ngunit kayo rin ay dumidilig sakin
Ako ang panganay! Sayo sasabihin...

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon