Apoy sa loob ay nagkakalat
Na para bang linulusob ang lahat
At tila ba sa sarili'y nangangagat
Ngunit minsa'y masama o mabuti ang buhatAyaw kong masunog at mahulog
Sa sariling ginawang paghahalughog
Kaya nakikiusap sa damdaming 'wag ng ihubog,
Sapagkat 'pag dumating ang aking kasawia'y asahang ako'y naririyan sa ilog.Pakiusap, huwag ka nang lumaganap
Sapagkat nararamdaman ko'y hindi ko na hanap
At may marami pa akong pangarap,
Na kailangang kong maabot ngunit tila ba'y nawawala na parang isang kurap.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.