Hanggang ngayo'y nangungulila sa ama.
Ng ika'y aking makita ay hindi pa mulat ang aking mga mata
Nasaan ka ng kailangan ka namin?
Nasaan ka upang sabihin ang katotohanang kailangan mong panindigan?At ngayo'y ika'y nagparamdam na,
Ngunit ang pamilya'y hindi na pwedeng mabuo.
Labis akong nagsisi,
Oo, nagagalit ako sa iyo sapagkat sinukuan mo kami!
Ngunit ama pa rin kita, ang amang bumuhay sa akin para makita ang mundong ito.Subalit may mga oras na sumusuko ako,
Dahil nalulungkot at nananabik ng dahil sayo
At minsa'y nagseselos sa ibang batang may buong pamilya
Ngunit maibabalik pa ba ang dating panahon?
Hindi na, kaya, ano pa ba ang silbi ng mga luhang ito?
Bakit ako nalulungkot?
Bakit ako nananabik sayo?
'Yon ay dahil mahal kita!
At gusto kong maranasan ang pagmamahal ng isang totoong ama.Gusto kong itulak si Ina na balikan kayo ngunit hindi na pwede,
Mayroon na kasing sugat sa buhay na 'to na kahit kailan ay kailangan nalang nating tanggapin.
Ngunit paano kong gusto ko na kayong dalawa?
Paano kong ayaw ko sa kaniyang pangalawa?
May magbabago pa ba?
Wala! Dahil nandito na,
Ito na!
Ito na ang buhay na ayaw ko.Sa ngayon ay hindi pa kita na kita
Ngunit nasasalamin ko na ang iyong mukha.
Oo, sumusuporta ka sa amin ngayon,
Ngunit hindi kailan man magiging kapalit ang pera sa pagmamahal ng isang ama na para sa kaniyang mga anak at asawa!Minsan, na kahit sumusuporta ka ay naghihirap pa rin kami,
At kapag humingi ako ng paulit-ulit dahil sa mga proyektong kailangang ipasa at ang pangkaing kailangang ihanda sa araw-araw ay nagagalit ka at nagsasabing 'patrabahuin mo ang ina mo!'
Bakit? Ikaw ba ang nagpalaki sa amin ng kami'y maliliit pa?
Bakit? Ikaw ba ang nagmahal sa amin ng buong-buo?
Bakit? Ikaw ba ang naghirap sa simula?
Bakit? Kahit kunti ba ay nakaramdam ka ng awa o pananabik sa iyong mga anak pagkatapos kang umalis?
Bakit? Umiyak ka ba ng dahil sa amin?
Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin na pwedeng maging masakit sa aming mga damdamin!
Kapag....nasagot mo na ang lahat ng bakit ko na may tamang layunin sa pamilya!Ngunit.....ayaw kong kamuhian kita papa.
Kaya kong pwede,
Bumawi ka aking ama......
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.