Nasaan Ang Katarungan?

22 0 0
                                    


Ang pagtrato'y kakaiba
Itinuturing na hayop ang kaharap niya
Sa bawat panahon sakit ang nararanasan ko
Dahil ako'y itinuturing na iba sa kanilang lahat.

Ipinagtatabuyan na parang isang halimaw
Mukha ko ba'y kawangis ng isang bakulaw?
Iyan ba ang tingin sa aking mga galaw?
Sa pagmamahal ako'y uhaw na uhaw!

Sayang ang bawat patak ng luha ko
Walang maibabago ang mga ito
Kahit magmakaawa pa ako
Pagkat sa akin nakatadhana ito

Gusto ko ng kalayaan!
Ayaw ko ng kulungan!
Gusto ko ang kasiyahan!
Ayaw ko ang kalungkutan!

Nasaan? Nasaan ka katarungan?
Magparamdam ka naman
Kahit kunting kasiyahan
Ang maitatatak sa puso ko!

Ang sama-sama ng tadhana
Lahat ay ginawa ko na
Ngunit ayaw pa ring gumana
Ano ba talaga ang tama?

Katarungan ang kailangan ko!
Iyan ang matagal ko ng hinahanap
Magpadama ka!
Katarungan, nasaan ka?











PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon