Lalayo Ba Ako?

14 0 0
                                    

Pumipikit at dinarama,
Ang pangyayaring hindi ko na magawa,
Magawang muli't maipakita,
Maipakita sa iba na iyon ay mahalaga.

Bakit kailangan pang magkaganito?
Bakit kailangan pang lumayo?
Bakit kailangan pang iwan ang mga mahahalagang tao?
Bakit ang tadhana'y ganito?

Ayaw ko na! Na iwan sila...
Ayaw ko na! Na iwan ang lugar na ito...
Dahil ako'y napamahal na dito
At natutong maging totoo.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon