Luhang nanggagaling sa mata'y bibitaw
'Pagkat ika'y hindi ko na madadalaw
Maglalakbay sa lugar na walang ilaw
Dala ang pag-ibig sayong nangibabawPatawad mahal ko, ako'y maglalakbay
Sa malayong lugar na ako'y 'di sanay
Huwag ka sanang lumuha at manamlay
Dahil ako'y patuloy na magbabantay.Hindi ko kayang makita kang luluha
Ngunit wala na akong magagawa pa
At wala ng pag-asang mahawakan ka
Subalit, huwag na huwag mag-alalaHindi ko alam kung saan ako tutungo
Ngunit alam kong ikaw ang sinusuyo
Kadiliman man ang aking makatagpo,
'Di mangangamba't pipiliting tumayoGusto ko pang makasama kita ngayon
Sapagkat wala ng iba pang solusyon
Ako'y makikita sa imahinasyon...
Paalam, hanggang sa mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMga tula ito tungkol sa pag-ibig, pagkasawi, kasiyahan, kalungkutan, pangungulila at sa pagsamba. Galing itong mga tula sa akin, walang kinopya sa kahit na sino. Sana ma-enjoy niyo.