-Chapter 2-

245 58 68
                                    

SHAMYRA

Saan aabot ang twenty pesos mo?

Siguro kung twenty pesos na nga lang ang natitira kong pera, siguro igagastos ko sa pamasahe pauwi. Pero hindi naman iyon kasya sa taxi. Pwede akong magjeep tsaka magtricycle. Kaso hindi ako marunong magcommute. Tinignan ko ang wallet ko, may 200 pesos pa naman. Hindi ko kailangang mamroblema sa paulit-ulit na tanong ng Cornetto sa akin. Pero kapag bumibili naman ako, 25 pesos ang presyo kasi may patong. Hindi pa rin kasya ang twenty pesos ko kung sakali.

Pero kung pwede na ang twenty pesos kapalit ng puso ni Anjo, siguro iyon nalang ang paggagamitan ko.

"Hoy," he said and lightly shook my shoulders. "Ba't parang sobrang lalim yata ng iniisip mo? Nalulunod na nga ako eh." Inabutan niya ako ng tubig na binili niya at tumabi sa akin.

"Wala ito. Stressed lang ako nang kaunti. Hindi ko pa kasi kabisado iyong campus."

"Walang nagtour sa'yo? Hindi ba mababait ang mga ka-block mo?"

"Mababait naman sila. Nagtour nga sila noong first day kaso hindi ako nakasama kasi umuwi ako ng maaga." I sighed. Hindi pa nga officially nagsisimula ang classes, pakiramdam ko matutusta ako ng buhay dito. College will kill me.

"Yikes. Sayang. Ako kasi, nag-initiate si Yuri na i-tour ako. She's a year ahead of us kaya naman pumayag na lang ako. She's a great company actually. Nalaman ko rin na half-japanese pala siya. Tsaka crush ng bayan! I can clearly see those senior guys glaring at me," mahaba niyang pahayag at tumawa. "You should've seen their faces."

Ouch. Parang type niya pa ah.

"Siguro type ka niya kaya ka gustong i-tour." I bitterly smiled.

Hindi na ako magtataka. Unang linggo pa nga lang namin dito, may nahanap na agad siya. Paano pa kaya kung ilang taon na?

"Sus. Parang hindi naman."

Sige Jo. Magsinungaling ka pa.

"She seems like your type. And she seems like a nice girl. Ligawan mo kaya." I nudged his shoulder.

Sige pa Amyra. Reyna ka na talaga ng mga martyr.

"I barely know her. Tsaka she's older than me nga 'di ba?"

Sus Anjo. Kunwari ka pa. Nagpapaconvince ka lang sakin para malaman mong may pag-asa ka ba. Kilalang kilala kita.

"So what? Age doesn't matter, right?" Nanunuya ko siyang tinignan.

"Siguro hindi nga. Sige. Paaabutin ko muna ng isang month tapos liligawan ko siya," excited na sabi niya.

Aray. Ang sakit ulit.

"Iyan! Ganyan ang Anjo na kilala ko. Hindi torpe."

Ikaw na nga talaga ang Martyr ng taon Amyra. Sus. Hindi ka pa nasanay. Mula High School, it has always been like that right?

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon