-Chapter 27-

136 30 52
                                    

Have you ever thought just maybe, you belong with me?
-

Taylor Swift, You Belong With Me

SHAMYRA

I stared at Theo while he’s putting sugar on his coffee--too much sugar on his coffee. Napangiwi ako nang kumalat pa sa table namin ang asukal. Tinabi ko muna sa isang gilid ang text books ko habang pinapanood siyang inaayos ang kalat niya. Napailing na lang ako. Just when I thought ako na ang pinakamakalat at pinaka-clumsy sa buong mundo, Theo actually exists. Baka kasalanan din naman pala niya in the first place kung bakit natapon ang kape niya sa damit niya.

“Ganyan ka ba talaga uminom ng kape? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita, ah.” I told him nang matapos na niyang ayusin ang kalat niya.

“Trip ko ngayon, bakit ba?” at nakuha niya pa akong irapan. The nerve.

“Magkaka-diabetes ka na niyan. Puputulan ka ng binti,” pagbabanta ko.

“Okay lang, atleast hindi kamay,” he paused and raised his eyebrow, “Tsaka concerned ka na sa akin niyan?” he teased.

I scoffed, “Asa ka.” Kinuha ko ang isang text book ko at nagsimula ng mag-review. Nagsimula na ring magsulat si Theo kaya hindi na niya ako kinulit.

Ilang minuto na rin akong nakababad sa librong binabasa ko nang may nilapag na platito si Theo sa table namin at tinulak iyon papunta sa akin. I looked up at him pero nakatingin lang din siya sa notebook niya.

“Kain ka muna.” He offered. Tinulak niya pa ulit ang platito na may lamang isang slice ng cake. Chocolate cake.

Aba aba. Nagpapakita na ng generous side itong si Theo, ah. Lihim akong napangiti.

“Thank you,” I said. I held the fork and took a bite. Mmm, ang sarap. Napapikit pa ako. Siguro talagang ang tagal ko nang nakababad kakabasa. Nangangawit na ang leeg ko.

“You’re welcome. May kapalit iyan,” sabi niya pa.

Napatingin na naman ulit ako sa kaniya. “Ano? Kulang nga ang allowance ko ngayong linggo kasi binilhan pa kita ng t-shirt sa Penshoppe at kape. Napaka high-budget mo sir ha.” Mahabang litanya ko sa kaniya. Eh sa totoo naman talaga. Ang mahal pa ng t-shirt na pinabili niya sa akin.

He laughed, “O, chill lang. Hindi ka mapu-purdoy rito. Napaka-dali nga lang eh. Pero hindi mo pwedeng gawin nang nakapikit.”

“Ano ba kasi iyan?” I impatiently asked after taking another bite of the delicious cake.

“Easy. Wag kang ma-fall sa akin,” he smirked.

I rolled my eyes. Talagang napakadali lang. Ako? Mahuhulog sa kaniya? ASA.

“Okay.” I shrugged. Tinapos ko na ang natitirang cake at tinignan ang ginagawa niya. Napaka-focused niya kasi tapos nagbibilang pa siya. Ano ba kasing binibilang niya diyan?

“Ano bang sinusulat mo diyan?” dumukwang ako sa side niya at sinubukang basahin ang sinusulat niya pero mabilis ang galaw niya’t sinarado niya agad iyon. Wrong move. Mas lalo lang tuloy akong na-curious.

“Just a poem.” Sinubukan niyang iligpit sa bag niya ang notebook pero nahila ko ito at mabilis na niyakap.

“Just a poem, huh?” I smirked, obviously enjoying the hopeless reaction on his face. Nakakaawa ang mukha niya pero gusto ko lang din namang mabasa ang mga gawa niya. For sure, napakaganda ng mga iyon.

He sighed before speaking, “Shamyra please. I need that notebook right now,” he pleaded.

I laughed, “Sorry. I need it right now, too.”

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon