-Chapter 22-

107 27 42
                                    

No I can’t lie. I need a lookalike.
-Conan Gray, Lookalike

SHAMYRA

Sinimsim ko ang kape ko habang nakatitig pa rin sa taong kaharap ko ngayon. May kinalikot pa siya sa cell phone niya bago ibinaba at itinaas ang tingin sa akin. Kamukha niya nga talaga si Anjo eh. Sa mata, sa ilong, sa hairstyle hindi, ngiti na nga lang talaga ang kulang.

“Stop thinking of your ex in front of me.”

Muntik na akong masamid sa kapeng sinisimsim ko. Ibinaba ko ang tasa’t pinunasan ang bibig ko.

“Unang-una, hindi ko siya ex. And I just can’t help it. You look exactly the same.” Kinumpas ko pa ang mga kamay ko sa ere para mas dramatic effect.

“Shamyra, I can’t help but be offended that my utterly gorgeous features remind you of someone else.” Humalukipkip pa siya. “Sino ba kasi si Jo at parang affected na affected ka? Mahal mo? Niloko ka? Pinagpalit ka? Baka naman ghi-nost ka?”

I can’t help but roll my eyes. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ko at hinanap ang picture ni Anjo sa gallery ko. Hinarap ko ito sa kaniya.

“O ayan. Kamukha mo diba?”

Kumunot ang noo niya at pagkatapos ay umiling. “I don’t see it.”

Binawi ko nalang ang cell phone ko at bumuntong-hininga. “You just refuse to see it. May long lost twin brother ka ba? Kasi si Anjo alam kong wala. Magkasabay kaming lumaki. Hindi rin siya ampon, not that I know of.”

Ngumisi siya. “Mahal mo best friend mo no?”

Sobra.

Nagsalubong ang kilay ko habang siya’y nakangisi pa rin. “Paano mo nalaman?”

“Your eyes scream it all. Your whole aura screams unappreciated.”

Ouch. Manghuhula yata to si Theo. Isang tingin lang, nahulaan na niya ang buong pagkatao ko?

Itinaas niya ang cell phone niya at ipinakita sa akin ang instagram account ko. Ah so iyan pala ang ginagawa niya kanina. Nagawa pa akong i-stalk. Very brilliant, wow.

“shammyraaa_e. 18. Nursing student.” Nag-scroll pa siya doon at huminto para ipakita sa akin ang picture naming dalawa ni Anjo. Kuha iyon noong high school graduation namin. Nakaakbay siya sa akin habang may hawak akong bouquet na bigay niya sa akin. “Mahal niyo ang isa’t isa.”

“Oo naman. Best friends eh.”

“Pero mas mahal mo siya,” he smirked.

“Alam mo trying hard ka bang manghuhula? Kasi kung may plano ka, wag mo ng ituloy.”

He chuckled sabay napailing na lang.

“Saang university ka ba?” tanong ko.

“Diyan lang.”

Ano ba naman ito kausap? Parang gago lang.

“Ugh. Saan nga?” nauubos na talaga ang pasensya ko dito. Sarap niyang i-flush sa inidoro.

“Bakit ko naman sasabihin? Baka bigla kang lumipat dahil sa akin. Maging loyal ka nalang diyan sa Anjo mo.”

Aba ang kapal. I scoffed and rolled my eyes. Napakatarantado naman nito kausap. Talagang sinasagad ang pasensya ko.

“Ang kapal. Ano ba ang course mo? Ginagawa mo sa buhay mo?”

“Nag-aapply maging future mo.” Ngisi niya. “Charot hahaha.” Tumawa pa siya. Ang kapal ng loko.

Dahil mukhang hindi naman niya ako sasagutin ng tama dahil mukhang may tama siya, kinuha ko nalang ang cell phone ko at sinimulang hanapin ang instagram niya.

“theoonthebeat. Psych student with a pen on the side.” Basa ko sa bio niya.

Napaangat ang gilid ng kaniyang labi. Obviously amused I was stalking him instead of just asking him questions. Napakagago niya naman kasing sumagot eh.

Nagscroll pa ako sa feed niya. Puro events sa university namin. What the fuck? Pareho kami ng university? Tsaka puro notebook at quotes lang din ang laman ng feed niya.

“Pareho tayo ng university? Tsaka writer ka?”

I was amazed. Iilan lang ang lalaking kilala kong nagsusulat kaysa maglaro ng Mobile Legends.

“Of course pareho tayo ng university. Dadayo pa ba ako sa coffee shop na ito kung hindi? And yes I’m a writer on the side.” Kibit-balikat niyang sabi.

Kaya pala ang daling makabasa ng tao. Psych student pala.

“Sana all.” Bulong ko nalang.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Nemo kanina na magha-hiking kami sa Mt. Naandan. Alam ko naming dadalhin ni Anjo si Mikka so why not dalhin ko rin ang ka-lookalike niya?

“Free ka ba this Saturday?”

He faked a cough and beamed a smile at me. “Woah, easy there. Ang bilis mo namang ayain ako mag-date.”

Napatigil ako dahil mas naging kamukha niya lang si Anjo dahil sa ngiti niya. Inignora ko na lang ang sinabi niya at nagpatuloy.

“Game ka ba mag-hiking?” I smiled.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon