-Chapter 10-

141 38 59
                                    

SHAMYRA


Nananaginip ba ako?


Sometimes I mistook dreams for reality. Minsan, nanaginip akong nag-travel ako mag-isa papuntang Paris. Ti-nry ko daw lahat. Pumunta ako sa Eiffel Tower. Kumain ng croissants sa mga mamahaling café na hindi ko mabasa ang pangalan. Nagpunta sa isang perfume store kahit may allergic rhinitis ako pero ang nakakapagtaka ay hindi iyon umepekto sa panaginip ko. Akala ko totoo lahat. Pero paggising ko, napatawa nalang ako sa kagagahang pumasok sa isip ko. Kahit kailan naman hindi ako makakapag-travel tsaka may allergic rhinitis nga ako kaya bawal sa akin ang kahit na anong perfume. Wala din akong perfume na gamit. Ni cologne wala. Mas makakaya ko pang tanggapin na mabaho ako kaysa halos mamatay na ako kapag inatake na ako ng allergy ko.


Kaya hindi ko mawari kung totoo ba itong mga naririnig ko o bunga lang ng mahimbing na pagkakatulog ko.


"Shammy."


"Shammy gising ka pa ba?"


Narinig ko ang mahinang pagtugtog ng gitara. Saka ang pagkanta ng isang boses na kilalang-kilala ko.


"To be young and in love in New York City...


Nananaginip ba talaga ako?


"To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me...


Pilit na ibinuka ko ang mabibigat kong mga talukap saka bumangon sa kama.


"To be drunk and in love in New York City...


Binuksan ko ang bintana at pinigilan ang sariling huwag sumigaw.


"And not into morning coffee,

Burning through the hours talking...


"Jo?"


Kinindatan niya lang ako tsaka nagpatuloy sa pagkanta niya.


"Damn, I like me better when I'm with you...


Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya. Naggigitara siya saka kumakanta pa. Nakalatag sa lupa ang puro official merchandise ni Lauv. Matagal ko ng request sa kaniya ito pero hindi ko inakala na ibibigay niya lahat ng hiningi ko. At kapag sinabi kong lahat, lahat talaga. Mula sa I MET YOU WHEN I WAS 18 VINYL, V NECKLACE, BLUE CREW HOODIE, I LIKE ME BETTER TEE CREWNECK, at I LIKE ME BETTER TEE. Lahat nakalapag sa damuhan. Nakabalot at nasa box pa ang ilan.


"I like me better when I'm with you.

I knew from the first time

I stayed for a long time 'cause

I like me better when

I like me better when I'm with you...


Ngumiti siya sa akin tapos binaba niya ang gitara niya't umakyat sa bintana ko. Tapos hinalikan niya ako.


But, of course. That didn't happen.


Nginitian niya lang ako tapos kinuha niya ang mga merch na nakalatag pa sa lupa tsaka umakyat sa bintana ko. He used to do this all the time. He would sneak in my room kapag bored siya o kapag binasted siya o kapag galing naman siya sa break-up. I just didn't think that he would do this act of I don't know? Hindi naman siguro ito pang-haharana o umaakyat siya ng ligaw because I definitely did not see that coming.


Anjo stop na bhe. Kinikilig na ang marupok kong heart.


"Shammy I'm sorry." Hinawakan niya ang mga kamay ko tsaka tinuro ang mga merch na ngayo'y nakalatag na sa kama ko. "Sa Pasko ko pa sana ibibigay iyang mga iyan pero napaaga yata ang pagdadrama mo kaya ibibigay ko nalang. Peace offering." Tsaka nag-peace sign siya na parang bata.


Anjo ano ba beb. Stop na.


"P-paano mo binili lahat ng ito?"


"In-order ko matagal na. Tsaka alam na alam ko naming mahal na mahal mo si---


"ARI STAPRANS LEFF!" sabay naming sabi. Napatawa nalang din kami ng sabay.


Niyakap ko siya. "Thank you Jo. Tsaka hindi mo naman kailangang mag-effort para mapatawad lang kita. Papatawarin din naman kita, eh."


Umalis siya mula sa pagkakayakap ko at tinaasan ako ng kilay. "At kalian naman iyon?"


Sinuntok ko siya na siya namang dahilan para mapa-aray siya nang mahina. "Siguro next week? Tsaka huwag mo nga akong taasan ng kilay. Ang bakla mong tignan, pramis."


Nilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa ilang dangkal nalang ang pagitan ng mga labi namin. Naririnig ba niya ang tibok ng puso ko? Hihimatayin na ako sa kilig—este sa kaba!


"Sinong may sabing lalaki ako?"


"What?"


Napapatantastikuhang nakatingin ako sa kaniya ngunit kinindatan niya lang ako. Naglakad siya papunta sa hairdresser ko at kinuha ang hairbrush ko. Sinuklay niya ang buhok niya at tinapat sa bibig niya ang hairbrush. Seriously? What is he up to?


Sa isang baklang boses ay nagsalita siya.


"Magandang umaga madlang pipol! I am Antonette Joanna Vivaldez-Jenner! Your reigning Miss Q and A Intertalaktic 2019! Pak!"


Umikot-ikot pa siya sa loob ng kwarto ko at nagpose tsaka nag-awra. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Napabunghalit ako ng tawa ng pagkalakas-lakas.

"Pft! Hindi ka nga lalaki."


"Bagay ba sa'kin?"


"Bagay na bagay."


"Amyra matulog ka na. Papatayin ko na ang WiFi!" rinig kong sigaw ni mama.

"Opo! Matutulog na!"


Nilingon kong muli si Anjo na ngayon ay nakahiga na sa kama ko. Hinila niya ako kaya bumagsak din ako sa kama katabi niya.


Niyakap niya ako't nagsalita. "I missed you Shammy."


I smiled. "And I missed you too, Jo."


Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko at lihim na napangiti.


11:11


Hi stars! Sana nakikinig kayo. Gusto ko lang sana magpasalamat.

Kung ano mang nakain ni Anjo na lason--- I mean---pagkain na ipinadala niyo pa thru JRS EXPRESS o LBC, maraming salamat. Mabuti naman at hindi siya natuluyan. Mamahalin ko pa kasi ang baklang ito, eh.

Kung ito na ang sagot sa sangkatutak kong mga hiling, eh thank you talaga. Kung ito na ang sagot sa lahat ng mga bakit at paano, kung ito na ang unti-unting pagkakatupad ng mga gusto kong mangyari, salamat talaga. Hulog kayo ng langit! Ay hindi pala kayo pwedeng mahulog mula sa langit 'no? Ah basta. 'Yon na 'yon.


PS: Kung gisingin niyo man ako sa panaginip na 'to, magkita nalang tayo sa asteroid belt, K? Sige na babyeee. G'night.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon