-Chapter 6-

169 40 40
                                    

ANJO

Padabog na isinara ko ang pintuan ng driver's seat. Padabog rin na isinara ni Shammy ang pintuan ng Front Seat.

Ahh. Galit ka rin? Sige. Mag-galitan tayo.

"Sino ba iyong mga kasama mo? Tsaka bakit hindi ka nagrereply?"

Wala akong nakuhang sagot. Tinignan niya lang ako sa mata tapos sinuot ang seatbelt niya at humarap sa bintana.

Aba't! Alam ko naman na ganito siya magalit pero hindi ko akalain na ganito siya ka-galit. Bakit? Galit siya kasi kinuha ko siya sa bago niyang mga kasama? Dahil kinuha ko siya doon sa lalaking kasama niya? 

"Ayaw mo akong kausapin? Eh ikaw na nga itong may kasalanan tapos bakit parang nagiging kasalanan ko pa?"

Wala pa ring sagot. Hay naku naman Shammy. Gusto ko lang namang makipag-usap. Bakit ba pinapahirapan mo ako? 

Malalim akong napabuntong-hininga at pinaandar na ang sasakyan. Kung ayaw niyang makipag-usap, hindi ko na muna siya kakausapin. Alam ko namang sasabihin niya rin kapag hindi na ako tanong nang tanong. 

Malapit na kami sa subdivision namin nang magsalita siya sa matamlay na tono.

"Mga kaibigan nga ni Sin ang mga kasama ko. Nagpasama lang naman ako kay Kei sa CR, iba na agad iniisip mo. Ikaw nga, halos hindi mo na ako kausapin noong kasama mo si Yuri," sabi niya.

"Shammy sorry kung nasigawan pa kita. Nag-aalala lang naman kasi ako.  Baka kung ano pa mangyari sayo eh klarong-klaro namang lasing na iyong mga kasama mo. Tsaka umiinom ka pa eh mahina naman ang tolerance mo sa alak." 

"Hindi sila lasing. Ang OA mo lang talaga. Tsaka kaya ko ang sarili ko. Bakit ba lagi kang nag-aalala? Ba't di ka bumalik doon sa Yuri mo? I'm sure gusto ka pa niyang makausap."

"Mag-aalala talaga ako kasi bestfriend kita! Tsaka bakit ba lagi mo akong tinutulak kay Yuri. Iniwan ko na nga kasi ang boring niya, eh. Tapos gaganituhin mo lang ako? Ewan ko sa'yo Shammy." Napailing nalang ako. 

Tinignan niya lang ako at bumalik sa pagkakatingin niya sa bintana. 

Hindi naman ito ang unang beses na nag-away kami. May mas malala pa nga dito. Pero lagi namang malala kapag nag-aaway kami. Nagpapataasan pa kami ng pride. 

Hininto ko ang sasakyan sa bahay namin. Lumabas kaagad siya at dumiretso sa bahay nila pagkapatay ko sa makina. Ni hindi man lang nagpasalamat o nagpaalam. 

Sorry na Shammy. Nag-aalala lang. Ako ang sundalo mo diba? Dapat lang na protektahan kita. 

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon