-Chapter 21-

114 30 30
                                    

SHAMYRA

Naisipan kong pumunta muna sa isang coffee shop malapit sa University. Naiistress na ako lately dahil sa nagpapatong-patong na ang requirements na kailangang ipasa this sem. Idagdag pa ang mga kadramahang nangyayari sa buhay ko dahil na rin sa likas akong tanga at boba. Triple kill.


Napatingin ako sa relo ko. 2:20 pm. 3:30 pa ang next class ko. Medyo matagal-tagal pa nga ako dito.


Naglakad ako papunta sa counter para umorder nang may bigla akong mabanggang isang bulto. Biglang tumapon sa sahig ang dala-dala niyang kape.


Oh shit. Tatanga-tanga na naman kasi tayo Amyra, eh. Ayan tuloy.


Napayuko nalang ako at sinabing, "I'm sorry. Sorry talaga. Ibibili nalang kita ng bagong kape."


Patay ang allowance ko ng isang linggo kung ang kape niya ay ang bestseller dito o kaya'y ang pinakamahal na kape. Kung may kapeng natapon sa damit niya, maglaslas ka na girl. Magfa-file iyan ng kaso laban sayo at makukulong ka. End of story. Mamatay ka pa sa kulungan dahil na rin sa katangahan mo.


Ilang segundo rin siyang natahimik bago nagsalita sa isang baritonong boses, "Buy me a shirt, a slice of cake, and a black coffee."


Shamyra pwede ka nang maglaslas.


Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko ngunit ang mga mata ko'y nakapako pa rin sa sahig.


"Sige sige."


Patay na nga ang allowance ko ng isang linggo. Mula sa sahig ay inangat ko ang paningin ko sa kaniyang mamahaling sapatos, pants, shirt na may natapong kape, hanggang sa mukha niya. Pero teka----


"Jo?" naguguluhang tanong ko.


Teka nga lang muna. Anjo? Ba't parang kamukha niya si Anjo pero parang mali. Kamukha niya si Anjo pero mali. May kulang. Kamukha niya talaga sa anumang anggulo. Ang kulang lang ay ang ngiti ni Anjo. Kung ngingiti siya, papasa na siya bilang Anjo.


"Who's Jo? An ex I bet." he smirked.


"Ibibili kita ng kape at t-shirt at cake. Umupo ka doon sa sulok," itinuro ko ang table, "Shamyra nga pala," I extended my hand.


"Teodoro pero Theo nalang." he shook my hand.


Nanginginig man ako'y nagawa ko pa ring ngumiti. Imposible namang may kakambal si Anjo pero magkamukha talaga sila. Magkamukhang-magkamukha. Ano siya, doppelganger? Imposible pero even the most bizarre things exist.


Salamat at natapon ang kape mo, Teodoro.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon