-Chapter 15-

105 34 31
                                    

SHAMYRA

"Tao po!" sigaw ko.

"Shammy, tingin mo tama na nandito tayo?"

"Nandito na tayo. Alangan namang tumakbo tayo pauwi."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin----

Biglang bumukas ang gate nila.

"Jojo? Shamyra? Waah! Namiss ko kayo!" tumakbo siya sa gawi namin at niyakap kami ni Anjo.

"Mikka hindi na ako maitim. Hindi na ako Binay."

"Bahala ka. Jojo ka pa rin." kumalas si Mikka sa pagkakayakap sa aming dalawa at niyakap ulit ako nang mahigpit. "Shammy, sobrang namiss kita!"

Niyakap ko din siya nang mahigpit. "Ako din naman Mikka!"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin tsaka hinila kami papasok. "Dito na kayo mag-almusal. Ibalik natin ang dati!"

Palihim kong nilingon si Anjo at ang lapad lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa kamay ni Mikka na nakahawak sa kamay niya.

Tangina. Bumalik talaga tayo sa dati.

-----

"Shammy sa'yo na lahat ng iyan. Ilang buwan ko iyang inipon. Hindi ko kasi alam kung ano ang style mo so sa iba't ibang shops ako bumibili."

Nasa kwarto na kami ni Mikka at hinihingi na ang pasalubong namin.

"Mikka ang mahal nito a. Puro pa branded. Pero dahil ikaw ang bumigay, tatanggapin ko ito."

"What? Akala ko hindi mo tatanggapin Shammy. Bakit kapag regalo kong branded ayaw mong tanggapin?"

"Kasi ikaw ang bumigay."

Dapat i-treasure ko ang mga bigay mo ano ka ba.

Bigla namang nag-pout si Anjo at umaktong nagtatampo na binelatan ko lang naman. Bahala siya magpa-cute diyan. Heh! Nagpapapansin lang iyan sa 'first love' niya. Tae niya mabaho!

"Jojo sayo naman, katulad na rin ng kay Shammy. Ilang buwan ko din iyang ipon." sabay abot niya kay Anjo ng box na kaparehas ng sa akin.

"Naks Thank you Mikks."

Kinikilig na ang buto at kidney niyan Mikka. Tigilan mo iyan.

"So ngayon, mag-catch up na tayo sa buhay ng isa't isa!"

Prente akong umupo sa kama niya at "Sa buhay mo lang. Ano bang ginawa mo doon sa States?"

"The usual. Big parties over the weekends. Hot guys and hot tubs and popular girls and shopping. Not big news."

"Ano?! Anong hot guys at hot tubs?! Nakikipaglandian ka lang doon sa loob ng anim, ay pito, ay hindi ko alam na mga taon?!" umigting ang panga ni Anjo at napatayo siya bigla.

Hm. May nagseselos na ng todo.

"What's wrong? I mean, you guys do that here right?"

"Si Anjo lang. Hindi ako." napairap ako bigla ng wala sa sarili.

Oh shit. Hindi ko dapat ginawa iyon.

Tumingin sa akin si Anjo at bahagyang na-guilty. Siya lang naman talaga ang nakikipaglandian eh. Tangina niya kung hindi niya pa na-re-realize iyan hanggang ngayon.

"Shammy naman."

"O ano?" tinaasan ko siya ng kilay at tumayo na din. "Mikka iinom lang ako ng tubig sa labas ah."

Dire-diretso akong lumabas ng kwarto ni Mikka dahil gusto ko lang. I'm sure gusto na din nilang dalawa na mawala ako kasi ako lang naman ang sagabal sa happy-ever-after nila, eh.

Sumunod sa akin si Anjo. Oo alam kong sa kaniya ang mga yabag na iyan. Memorize ko iyan 'no.

Bigla niya akong hinila. "Shammy...

"O? Magpapatulong ka kay Mikka ulit? Maglalaro tayo sa playground ulit? Maglalaro tayo sa arcade ulit? Ano? Ano na naman?!"

Nagpupuyos sa galit ang buong sistema ko. I don't know where this is coming from pero siguro nagsawa na din. Nagsawa na. Napagod na. I know I sounded way too harsh pero wala na. Nasabi ko na, eh.

"Shammy...

Tinalikuran ko ulit siya at nagmartsa palabas ng bahay nila Mikka.

"Jo uuwi na ako. Pakisabi kay Mikka salamat. I-text mo nalang ako ha. Sige bye."

Tangina mo Shamyra. Bakit ka nagagalit?

Pero mas tangina pa rin si Anjo kasi siya si Anjo. Kasi mahal mo siya. Tapos ikaw, wala ka lang. Kasi ikaw si Shamyra. At gagawin mo pa rin ang lahat kasi mahal mo siya.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon