-Chapter 36-

132 19 57
                                    

Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw.
-Ben&Ben, Araw-araw

SHAMYRA

Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na nga ang araw na talagang isinusumpa ko sa lahat ng bituin, sa lahat ng greek gods na makita ko sa Pinterest, at sa lahat ng santo na madaanan ko sa Chapel. Kasabay ng panlalamig at pagpawis ng mga kamay ko ay siya ring sabay-sabay na pagkiblat ng mga ilaw dito sa auditorium at ang paghiyaw ng mga tao.

Pageant day. Night pala kasi gabi na ngayon. Nasa backstage na kaming mga contestants at kapwa nakabihis na rin kami. Puting racerback at high-waisted shorts lang ang pinasuot sa amin. Ako lang ba, o talagang ang cheap naming tignan?

Oh well, may outfit change pa naman. Pagkatapos ng production number ay magpapalit kami ng sportswear at pagkatapos noon ay talent portion na, and lastly the most-awaited part, ang question and answer portion. Okay lang, ready na ako mamatay.

Magkatabi kami ni Ari as usual. And as usual din, ang ganda ganda niya. Kung hindi siya ang mananalo, aba'y may mali na talaga sa sistema. Petiks petiks lang din naman ang pagsali ko rito pero gagawin ko pa rin naman ang best ko. Buong Nursing Department ang pinapasan ko, isasali ko na rin ang barkada dahil ayaw daw mapahiya ni Sin.

"Good luck sa atin, Amyra," Ari squeezed my hand. "Mananalo tayo, ano ka ba," dagdag niya pa na nagpatawa sa akin.

"Ubod ng confidence tayo ngayon, ha. Good luck nga sa atin. Nasaan na kaya sila Sin?"

"Ay paniguradong naka-pwesto na ang mga iyon. Reyna kaya ng pakikisingit si Sin. Walang kokontra ro'n," she assured. Inabot niya ang kaniyang bag sa gilid at kinuha mula roon ang cell phone niya. "Dali, selfie tayo."

Lumapit pa ako lalo sa tabi niya at nag-peace sign. Ngumuso pa ako at nag-wacky. Ilang shots pa ang kinuha namin bago kami pinatawag na ng mga coordinators, hudyat na magsisimula na nga ang pageant.

"Okay ladies, go na. Good luck to each and everyone of you. Hindi man kayo mananalo lahat, you are all winners in my heart. Kaya sige na, awra na!" huling paalam ni Roy bago niya kami pinakawalan.

Tumugtog na ang musikang sasayawan namin at isa-isa na kaming nagsisilabasan upang salubungin ang nakakabulag na mga ilaw. The sides of my lips automatically rose up to form a smile. Ilang beses ko na itong na-practice sa salamin kaya okay na rin naman siguro itong ngiti ko.

I was busy dancing to the beat of the music pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang tumatalon-talon na si Sin, Kei, at Nemo sa audience na may hawak-hawak pang malaking tarpaulin. Nakapaskil roon ang mukha naming dalawa ni Ari na puro pa stolen at may nakasulat na "HUWAG NA HUWAG NIYO KAMING IPAPAHIYA, ARIANNA AT SHAMYRA!!! GO FIGHT LANG!!!"

Lihim akong napatawa at mas lalo pang lumaki ang ngisi ko. Namataan ko ring umupo na si Theo sa bakanteng pwesto katabi ni Nemo at kumaway pa sa akin. Nakasuot na rin siya ng dancesports costume na para sa talent portion ko mamaya.

"WOOOOHH!!! GO AMYRA!!! NA HALA SIGE KIAY DIHA BAYOT! WAAAAA AMIGA NAKO NAAAAAAA!!!!" narinig kong sigaw ni Sin. Kahit ang lakas lakas na ng music ay nangingibabaw pa rin ang boses niya. Ilan bang microphone ang nalunok nito?

"WOOOH GO ARI BABY!!! LILIGAWAN NA KITA PAGKATAPOS MONG MAKUHA ANG KORONA! ISASANGLA NATIN ANG MGA PEKENG BATO NO'N I LOVE YOUUU! I LOVE U DIN AMYRA KASO BAKA SUNTUKIN AKO NG FUTURE JOWA MO RITOO!" narinig ko ring sigaw ni Kei. Grabe itong mga ito. Mas lumalaki ang ngiti ko sa tuwing naririnig ko ang mga sigaw nila. Sana hindi ako nagmukhang si Joker 'no?

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon