-Chapter 9-

127 37 40
                                    


SHAMYRA


Pagkaraan ng ilang minutong pagdadrama nila, ay nagdesisyon na kaming umalis ng sinehan. Mukha ngang hindi pa sila nakakabawi, eh. Lalo na si Sin na biglang naging tahimik.


Kumain muna kami sa Shakey's saglit. Pero ang saglit lang sana, naging tatlumpong minuto. Hanggang sa naging isang oras. Hanggang sa nagtagal kami ng tatlong oras sa Shakey's. Paano ba naming hindi magtagal ng tatlong oras doon? Eh, parang hindi nauubusan ng perang iwawaldas ang mga kasama ko. Kung mauubos na ang pizza na inorder namin, dadagdagan ni Sin ng isa pa. Tapos kapag paubos na naman, dadagdagan ulit ni Nemo ng dalawa pa tapos lasagna para busog daw kaming lahat. Noong malapit na namin iyon maubos, umawat na kami. Halos hindi na nga kami makatayo dahil sa pagkabusog, eh. Kaya tumagal na naman kami ng isang oras para magpahinga at magkwentuhan.


Nang mag-aalas sais na ay napagdesisyunan na naming umuwi. Hinatid ako ni Nemo kasi tinamad si Sin. Ayaw na niyang panindigan ang pag-aya niya sa akin gumala.


Nang huminto kami sa tapat ng bahay namin, nasa labas din ng bahay nila si Anjo. Tumingin siya sa may gawi ko tsaka kumunot ang noo nang makita kung sino ang kasama ko.


I unbuckled the seatbelt. "Salamat sa paghatid Nemo, ah. I owe you one."


"Talaga lang. Hindi ka pa naman umiyak kanina."


"Nagtatampo ka pa rin sa'kin?" tumawa ako. Ano ba naman 'to si Nemo. Gwapo sana, napakaisip-bata naman.


"Medyo. Sige na baba ka na. Baka sugurin na ako ng Anjo mo o. Pakilala mo naman sa amin 'yan next time." Nginuso niya ang gawi ni Anjo kaya napalingon din ako sa gawi niya. Tapos mas nagsalubong pa ang kilay niya. Problema nito?


"Hindi ko Anjo 'yan. Sige na babye."


Lumabas na ako ng sasakyan niya tsaka pinasibad niya agad iyon paalis. Ni hindi ko man lang nilingon si Anjo at nagpatuloy papunta sa bahay namin.


"Saan ka galing?"


Shamyra wala kang ginagawang masama.


Hinarap ko siya. "Gumala."


Nagsimula siyang maglakad papunta sa direksiyon ko."Sino kasama mo?"


"Mga bago kong kaibigan. Si Sin, Si Ari, Si Nemo, Si Kei." Kibit-balikat ko.


"Bakit hindi mo ako sinama?" may bahid ng pagtatampo sa boses niya pero inignora ko iyon.


"Okay na ba tayo Jo?" nginitian ko siya bago ko siya tinalikuran tsaka nagtuloy-tuloy ang lakad papunta sa bahay namin. Pumasok ako nang hindi man lang siya nililingon.


"Ma kumain na po ako!" pasigaw na sabi ko nalang kay mama atsaka nagtuluy-tuloy ng pasok sa kwarto ko.


Humiga ako sa kama at tumingala sa kisame.


Kailan tayo magkakaayos Jo?


Maya-maya'y may narinig akong katok sa pinto.


"Pasok."


Pumasok si mama na may pag-aalala sa mga mata niya.


"Anak magkaaway ba kayo ni Anjo?"


"Ha? Hindi naman ma, eh. Bakit po?" pagsisinungaling ko. Pero alam na alam ni mama kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.


"Dumalaw kasi siya dito kanina. Hinahanap ka. Bakit ka niya sa amin hahanapin kung pwede ka naman niyang i-text?"


Bigla akong na-guilty. Siguro tadtad na ang cellphone ko ng messages ngayon. "Naka-flight mode po kasi ako ma, eh."


Nginitian niya ako ng matamis. "Basta ayusin niyo kung ano man ang hindi pagkakaintindihan niyo ha. Hindi healthy sa mag-bestfriends ang nag-aaway."


Wala nalang akong sinabi saka nginitian lang siya.


Alam ko naman ma, eh. Kaya nga ako nagtatampo.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon